Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Magkakasamang salubungin natin ang Pasko at Bagong Taon

(GMT+08:00) 2010-12-15 14:23:34       CRI

Sa okasyong nalalapit na Pasko at Bagong Taon, at bilang pagdiriwang sa ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, idinaos dito sa Beijing noong ika-6 ng buwang ito ang malaking palabas ng Ramon Obusan, isang Folkloric Group ng Pilipinas. Ang aktibidad na ito ay magkasamang itinaguyod ng Ministri ng Kultura ng Tsina at Embahadang Pilipino sa Tsina.

Bago magsimula ang palabas, nagtalumpati si embahador Francisco L.Benedicto ng Pilipinas sa Tsina. Unang una, nagpahayag ang embahador ng kanyang kasiyahan sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino sa iba't ibang larangan nitong nakalipas na 35 taon.

Sa kanyang talumpati, nabanggit ng embahador ang pagiging inklusibo ng capital Beijing at nadaramdam niya dito sa Beijing ang pagkakahalu-halo ng kultura ng Tsina at dayuhan. Nais din niyang ibahagi ang kasayahan at katangian ng Pasko ng Pilipinas sa mga tao dito sa Beijing at sa Tsina.

Ayon sa embahador, ang Ramon Obusan ay isa sa mga pinakapopular na grupong pansining sa Pilipinas, at umaasa siyang sa pamamagitan ng palabas na ito, mapapalakas ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Pagkatapos nito, nagtanghal ang Ramon Obusan ng makukulay na palabas.

Isinalaysay ni Cherry Ilanan, Senior member at dance director ng grupong ito hinggil sa nilalaman ng kanilang palabas at idinetalye naman ni Cherry at ng lalaki na si Jonard Jordan Salonga Cruz, senior member din ng grupong ito, ang pagkakatatag, pag-unlad, pagbuo, disiplina at iba pa ng Ramon Obusan.

Pagdating ng Pasko at Bagong taon, nagpahayag ang mga miyembre ng grupo ng kanilang Christmas wishes at New Year resolution at ng gustong sabihin sa atin.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>