Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

SIMBAHAN SA JOLO PINASABOG, 2010-12-27

(GMT+08:00) 2010-12-27 16:51:15       CRI
Mula sa Maynila, payapa na sanang maipagdiriwang ang Kapaskuhan sa Pilipinas maliban na nga lamang ng biglang sumabog ang isang "improvised explosive device" sa bubungan ng Sacred Heart sub-parish sa bayan ng Jolo sa Katimugang bahagi ng bansa.

Labing-isa katao ang nasugatan kabilang na ang pari na bumabasa ng Ebanghelyo noong Sabado ng umaga, araw ng Pasko.

Lubhang ikinabahala ni Bishop Angelito Rendon Lampon, OMI ang pangyayari at kinondena ang hindi makataong insidente. Bukod sa pagkakasugat ng may labing-isa katao, nasira din ang bahagi ng simbahang malapit sa altar.

Sa panig naman ng National Ulama Conference of the Philippines sa Zamboanga-Basilan-Sulu-Tawi-Tawi, sinabi nilang mga Kampon ng Kadiliman ang mga maykagagawan ng pagpapasabog sa isang bahay-dalanginan. Layunin umano ng mga alagad ng kadilimang manakot at maghasik ng hindi pagkakaunawaan sa pag-itan ng mga Muslim at Kristiyano sa Sulu.

Ikinababahala rin ng mga ulama ang posibilidad na mga kasapi ng Jema'a Islamia at Abu Sayyaf ang nasa likod ng insidente tulad rin ng mga pagdukot sa mga walang kalaban-labang mga mamamayan doon.

Tulad umano ng kidnapping, ang pagpapasabog sa Simbahan ay isang gawain ng mga barbaro at kawalan ng paggalang sa kapwa tao na wala sa itinuturo ng pananampalatayang Islam.

Nanawagan ang mga ulama sa mga alagad ng pamahalaang gawin ang lahat ng magagawa upang malaman kung sino ang may kagagawan ng pagpapasabog na ito.

Ayon pa sa mga ulama, walang kaduda-duda umano na ang mga may kagagawan ng pagpapasabog ay mga kampon ni Satanas.

Sa panig naman ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo, na marapat lamang magkaisa ang mga Muslim at mga Kristiyano sa pagkondena sa pagpapasabog sa simbahan sa Jolo noong nakalipas na Pasko.

Ayon sa Obispo, ang lahat ng bahay dalanginan ay iginagalang at hindi nararapat madamay sa anumang sigalot at 'di pagkakaunawaan. Nanawagan din siya sa mga Muslim at mga Kristiyano na higit pang magtulungan upang matamo ang kapayapaang pangmatagalan.

Ito si Melo Acuna mula sa CBCP Media Office nag-uulat para sa China Radio International – Filipino Section. Isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa ating lahat.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>