|
||||||||
|
||
Script ng espesiyal na programa:
(sound 1 Maligayang pasko…….)
Ramon: Maligayang Pasko sa inyong lahat! Ilang oras na lang at sasapit na ang pinakahihintay nating araw—araw ng kapanganakan ng Mesiyas. Pero, nitong ilang linggong nakalipas, sinimulan na ang selebrasyon hinggil dito at katulad ng sa Pilipinas, mayroon din sa Beijing! Syempre, kung nakikinig kayo sa mga programa namin, malalaman ninyo ito. Sapul noong pumasok ang kasalukuyang buwan, magkakasunod na idinaos ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa Pasko. Ang isa sa mga ito ay ang pagtatanghal ng Ramon Obusan Folkloric Group ng Pilipinas sa Beijing.
(sound 2 Ramon Obusan )
Ramon: Napanood ni Sarah ang pagtatanghal ng ROFG at ganito ang kanyang remarks:
Sarah: Helo, mga kaibigan. Maligayang Pasko! Napanood ko ang pagtatanghal ng Ramon Obusan Folkloric Group, and I must say na ito ay super. Mabuhay, Mr. Obusan! May ilang mga bagay na nag-iwan sa akin ng malalim na impresyon bukod sa magandang pagtatanghal na pansining; halimbawa, pagkaraang pormal na sinimulan ang palabas, isinalaysay ng Philippine ambassador sa mga manonood na Tsino kung paano isini-celebrate ng mga Pinoy ang Pasko.
(sound 3 Embahador Speech)
Sarah: Nang marinig ko ito, nasabi ko sa sarili ko: "I wish I were in the Philippines today. Talaga naman kasing very colorful ang celebration ng Pasko sa Pilipinas. Pero, alam ba ninyo na meron ding ilang magagandang aktibidad sa Tsina?
Ramon: Tama ang sabi ni Sarah, may isa pang aktibidad na gusto naming ibahagi sa inyo. Idinaos dito sa Beijing, just last week, ang Lantern Lighting Ceremony. Sa seremonya, sinindihan ang mga parol na inihatid mula sa Pilipinas. Lumahok sa seremonya ang mga Tsino para makita sa kauna-unahang pagkakataon ang parol. Masayang-masaya ang mga kalahok na Pinoy nang makita ang mga parol at sabi nila naramdaman daw nila sa Beijing ang atmospera ng Pasko sa Pilipinas. Para doon sa mga hindi makakauwi, enjoy na rin sila sa Pasko sa Beijing.
(sound 3 Embahada chorus)
Ramon: Ang narinig ninyo ay chorus ng mga Pinoy sa Beijing. Nagtipun-tipon sila sa Embahada para ipagdiwang ang Pasko. Bilang pangunahing tagapag-organisa ng naturang mga aktibidad ng Embahada, sinabi ni Minister and Consul General Issa Almojuela na:
(sound 4 Issa )
Ramon: Alam ba ninyo na parami nang parami ang mga Chinese na nagkaka-interes na i-celebrate ang Christmas in their own way? Marami ako ngayong nakikitang Christmas symbols sa mga lansangan, shopping mall, squares, hotels at kung saan saan pa. Kung Bisperas ng Pasko, nagkakaroon na rin ang mga kabataan sa malalaking lunsod ng revelries—baka nga hindi lang sa malalking lunsod, eh. Paanong ipinagdiriwang ang Pasko sa iba't ibang lugar ng Tsina?
(sound 5 Mass )
Lele: Helo, ito po si Lele, I just came back from Lalawigang Sichuan sa Timog Kanluran ng Tsina. Ang naririnig ninyo ay celebration ng Holy Mass sa isang catholic church doon. Ang Church na ito ay nasa isang maliit na bayan ng "Shifang" at karamihan ng mga catholic doon ay magsasaka. Ang bayan ng Shifang ay isa sa mga lugar sa Sichuan na grabeng nasalanta ng lindol noong 2008 at hanggang sa kasalukuyan, hindi pa ganap na natatapos ang lahat ng rekonstruksyon doon. Pero, kung sasapit ang Pasko, masayang masaya silang nagdaraos ng mga aktibidad bilang pagdiriwang ng araw na ito sa pamamagitan ng kanilang sariling paraan.
(sound 6 awitin)
Ramon: Ah, marami palang Katoliko doon!
Lele: Tama. Kahit nahaharap sila sa maraming kahirapan, hindi sila nasisiraan ng loob. Siguro, ang Pasko ay nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob.
Ramon: Ang pasko ay laging naghahatid ng bagong pag-asa sa mga tao, kaya naman hindi maaring mawala ang best wishes. Ngayon, matanong ko: "Ano ang inyong Christmas wish?"
(sound 7 Wishes)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |