Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

TAON NG PIGHATI AT PAG-ASA, 2010-12-28

(GMT+08:00) 2010-12-28 16:57:54       CRI
Mula sa Maynila, dalawang mukha ang larawan ng taong 2010 ayon sa tatlong kilalang taong nagsusuri sa Lipunang Pinoy sa tindi ng mga hamong kinaharap ng mga mamamayan at bansa.

Ayon kay dating Senate President Aquilino Q. Pimentel, Jr. ang taong patapos na sa loob ng tatlong araw ay nagdulot ng pighati at pag-asa. Ipinaliwanag niya Ginoong Pimentel na nakita niya ang pamimighati ng mga mamamayan sa ilalim ng liderato ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at nakabanaag din siya ng pag-asa sa pagkakahalal kay Senator Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa panguluhan.

Isa sa mga magagandang pagkakataon para sa pamahalaan ay ang mataas na trust ratings ng kasalukuyang liderato subalit matinding suliranin pa rin ang hindi mapigil na mga pagpatay ng mga karaniwang mamamayan na pinaniniwalaang kagagawan ng mga kawal at pulis ng bansa.

Marapat lamang umanong ipatupad ang batas at ibalik ang kaayusan sa lipunan, mapa-usad ang usapang pangkapayapaan sa pag-itan ng pamahalaan at ng National Democratic Front/Communist Party of the Philipines and New People's Army at ng Moro Islamic Liberation Front na humihiling na higit sa regional autonomy.

Idinagdag pa ni Ginoong Pimentel na kailangang maipatupad ang tunay na repormang agraryo na matagal nang minimithi ng mga magsasakang walang sariling lupain.

Mula sa isa sa pinakamahirap na pook sa Katimugang Pilipinas, sinabi ni Isabela de Basilan Bishop Martin S. Jumoad na naipakita ng mga Pilipinong kaya nilang maghalal ng mga pinunong maka-kalikasan, maka-Diyos at maka-bayan. Naipakita rin ng mga Pilipinong kayang magtagumpay sa pakasan tulad ng Boxing na kinatampukan ni Manny Pacquiao.

Sa panig naman ni dating Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar V. Cruz, ikinalulungkot niya ang pagkakahalal ng mga taong kilala at popular sa local at national positions kaysa sa mga taong higit na may kakayahan.

Ikinalulungkot din ni Arsobispo Cruz na karamihan umano sa mga nahalal ay reactive at hindi pro-active tulad ng inaasahan.

Mula sa CBCP Media Office, ito si Melo Acuna para sa China Radio International, nag-uulat.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>