Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

5 pinakakawili-wiling paraan ng pagdiriwang ng Bagong Taon sa daigdig

(GMT+08:00) 2010-12-30 18:22:00       CRI

 

Ramon: Maligayang bagong taon mga giliw na tagapakinig!Ito sina Ramon at Rhio para sa espesyal na programa ng Serbisyo Pilipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina para sa bagong taon ng 2011.

Rhio: Masaganang Bagong Taon! Ito naman po si Rhio. Ang Bagong Taon ay sumasagisag ng isang bagong simula para sa ating lahat, kaya naman, ipinagdiriwang ang araw na ito sa buong mundo ng may kaakibat na saya, optimismo, at bagong pag-asa.

Ramon: Tama! Halimbawa, sa Tsina, ang tradisyonal na bagong taon na ipinagdiriwang tuwing Spring Festival ay simula ng bagong pag-asa para sa mga Tsinio. Sa panahong ito, nagtitipun-tipon ang buong pamiliya para kumain ng dumplings, magsindi ng lusis, at magsabit ng mga parol.

Rhio: I see. Tunay ngang magkakaiba ang paraan ng bawat bansa sa pagdiriwang ng bagong taon, Kuya Ramon!

Ramon: Oo. Sa iba't ibang lugar sa daigdig, ipinagdiriwang ng mga mamamayan ang bagong taon sa iba't ibang paraan. Sa programa natin ngayong gabi, ilalahad natin ang listahan ng limang "pinaka-kawili-wili at kakaibang paraan ng pagdiriwang ng bagong taon sa daigdig".

Musika:

Rhio: Excited na ako Kuya Ramon. Umpisahan na natin.

Ramon: Sige!

Rhio: Sa Ikalimang puwesto ay ang Greece. Sa bansang ito, gumagawa ang bawat pamilya ng isang malaking cake na lalagyan ng isang silver coin sa loob. Pagkatapos, ang cake ay ibabahagi sa lahat ng miyembro ng pamiliya. Ang taong makakakuha ng silver coin ay pinaniniwalaang magiging napakasuwerte sa buong taong iyon.

Ramon: Ah, interesting! Sa bansang Scotland naman, bago sumapit ang bagong taon, maglalagay ng pera ang mga tao sa labas ng kani-kanilang mga bahay. Ang kakaiba po rito ay, wala nangangahas na kumuha sa mga perang ito kahit walang nagbabantay. Ang kaugaliang ito ay isang tradisyon na minana pa ng mga Scots sa kanilang mga ninuno mula pa noong unang panahon. Ayon sa naturang kaugalian, kapag ang perang inilagay sa labas ng pintuan ng tahanan ay naroon pa rin kinabukasan, magdudulot ito ng malaking suwerte.

Rhio: Kakaiba talaga iyon kuya. Sa kabilang dako, maraming bansa naman sa mundo ang naniniwala na ang bagong taon ay panahon ng pagiging mas masipag, para dumating pa ang mas maraming suwerte.

Ngunit sa bansang Italya na nasa ikaapat na puwesto ng ating listahan, hindi ganito ang kanilang paniniwala. Dito, tuwing sasapit ang bagong taon, sinisira nila ang mga lumang bagay.

Ramon: Talaga?

Rhio: Oo, kuya! Tuwing bagong taon, naghahanap ang mga mamamayan ng Italya ng iba't ibang matatandang bagay sa kanilang mga tahanan, at sinisira ang mga ito. Ilang halimbawa ay mga matatandang plato, mangkok, tsinela, damit, puwede na rin sigurong isali rito ang mga lumang silya at lamesa.

Ramon: Bakit?

Rhio: Kasi, ang sabi ng mga Italyano, ang pagsira sa mga matatandang bagay ay sagisag ng pagsira sa badluck o malas, at pagsisimula ng suwerte sa bagong taon.

Ramon: Ah, I see. Kung sabagay, tama ka dyan Rhio. Ang pagsira sa mga matatandang bagay ay sagisag ng bagong simula. Panibagong pagbili rin ito ng mga gamit (Tawanan)

Ramon: Ang nasa ikatlong puwesto naman ay ang bansang

Rhio: Ano naman ang paraan ng mga Indyano sa

pagdiriwang ng bagong taon?

Ramon: Ito talaga ang kakaiba, Rhio. Sa India, ipinalalagay ng

mga mamamayan na ang bagong taon ay sumasagisag ng mabilis na oras at mailking buhay. Kaya sa ilang lugar ng India, kapag bagong taon ay sumisigaw ang mga mamamayan. Sa ilang lugar naman, hindi kumain ang mga tao sa isang araw.

Rhio: Kahalintulad ito ng isang paniniwala sa ilang lugar sa

bansang Mexico, kung saan, ipinagbabawal ang pagtawa ng mga mamamayan tuwing bagong taon. Heto pa, sa huling limang araw ng bawat taon, bawal ang tumawa.

Ramon: Kakaiba rin ang kaugalian ng mga taga Mexico ano?

Pero, sa isang banda, tama sila! Maikli nga ang buhay ng tao. Kaya, sa aking palagay, dapat ay mamuhay tayong masaya at may taglay na ngiti sa aitng mukha bawat araw. Hindi ba?

Rhio: Sang-ayon ako diyan, kuya.

Ramon: Ang susunod at nasa ikalawang puwesto ay ang bansang Bulgaria! Sa bansang ito, nagtitipun-tipon at kumakain ng sabay-sabay ang bawat pamiliya tuwing bagong taon. Pero, ang kakaiba rito, kapag bumahing ang isang tao sa gitna ng pagtitipon, siya ay pinaniniwalaang magiging pinakamasuwerte sa bagong taon.

Rhio: Ipinalalagay ba nila na ang bahing ay pantanggal ng malas?

Ramon: Hindi ko alam. Hehe... Ang kauna-unahang taong babahing ay makakakuha ng isang regalo mula sa host ng party. Hulaan mo, Rhio kung ano ang regalong ito.

Rhio: Kotse? Hahaha…

Ramon: Hindi naman. Hehehe… Ang regalo ay isang lamb o calf.

Rhio: Wow! Talaga? Buhay ba ito or roasted lamb?

Ramon: Sa palagay ko buhay ito.

Rhio: OK! Ang susunod ay ang champion! Ito ay ang Belgium!

Ramon: Congratulations Belgium!

Rhio: Congratulations. Sa Belgium, tuwing unang araw ng bagong taon, ang unang aktibidad ng mga tao ay mag-wish ng happy new year sa mga hayop! Sinasabi nila sa lahat ng animals na maligayang bagong taon!

Ramon: Ano namaqn ang sagot ng mga ito?

Rhio: Meow, meow ay baw waw waw… Heehee…

Ramon: Talaga namang napakasaya nito. Well, ang mga hayop ay kaibigan ng sangkatauhan, at sa tingin ko,

dahil sa kaugaliang ito, ang mga Belgian ay makakatanggap ng magandang new year blessing.

Rhio: Sang-ayon ako, kuya.

Rhio: Diyan po nagtatapos ang aming listahan, mga giliw na tagapakinig.

Ramon: Sa katotohanan, bukod sa naturang mga bansa, mayroon pang ilang mga bansa ang may kakaibang paraan ng pagdiriwang ng bagong taon. Halimbawa, sa ilang matandang nayon ng Brazil, Hinihila ng mga tao ang tenga ng bawat isa bilang tanda ng pagbati ng "maligayang bagong taon".

Rhio: Wow! Medyo masakit yata iyon ah.

Ramon: Anyway, ito'y kanilang paraan bilang pagbibigay ng

blessing sa isa't isa. Ang bagong taon ay isang pagtatapos ng lahat ng badluck at mali, at pagsisimula ng bagong buhay.

Manigong bagong taon sa inyong lahat.

Rhio: Maraming salamat sa inyong pakikinig, hanggang sa muli. Ito po si Rhio,

Ramon: Ito si Ramon. Salamat!

/end//

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>