Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isa ang nasawi, siyam na raan katao, sugatan sa pagsalubong sa Bagong Taon, 2011-01-03

(GMT+08:00) 2011-01-04 18:52:11       CRI

Mula sa kamaynilaan, isa ang sinasabing namatay samantalang umabot sa siyam na raan katao ang nasugatan sa pagsalubong ng mga pilipino sa bagong taon noong maghahatinggabi ng viernes haggang sabado. Ang bilang na ito ay halos umabot sa bilang ng mga nasugatan noong nakalipas na 2009 ng salubungin ang taong 2010.

Ayon sa kampanya kontra paputok ng kagawaran ng kalusugan, walong daa't siyamnapu't isa katao na ang nasugatan mula noong a-veinte uno ng disyembre hanggang kahapon, a-dos ng enero, 2011.

Walong daa't apatnapu't apat ang nasugatan dahilan sa mga paputok samantalang tatlumpu't anim naman ang nasugatan dahil sa ligaw na bala.

Ang paputok na pinangalanang piccolo ang dahilan ng pagkakasugat ng dalawang daa't apatnapu katao samantalang isang daan at tatlumpu't lima katao naman ang nasugatan dahilan sa kwitis.

May mga nasugatang kinailangang putulan ng daliri, kamay o paa dahilan sa tindi ng pinsalang tinamo ng kanilang mga katawan samantalang isang daa't dalawampu't siyam naman ang nagtamo ng pinsala sa kanilang mga mata.

Ang kaisa-isang nasawi ay sinasabing kumain ng 64 na piraso ng piccolo na siyang ikinasawi nito. Isang babaeng taga-bulacan ang sinasabing nalason ng paputok.

Pinakamaraming nasugatan ang nagmula sa kamaynilaan at sinundan ng mga taga ilocos region, kanlurang kabisayaan at gitnang luzon.

Kahit na anong babala ang ginawa ng mga autoridad ay hindi pa rin napigilan ang mga pinoy sa pagbili ng mga paputok sa iba't ibang tindahan sa buong bansa.

Naging kaugalian na ng mga pilipino ang paggamit ng mga paputok, hindi lamang tuwing bagong taon, kungdi sa bawat pagdaraos ng kapistahan sa kanayunan, bayan, lungsod at maging mga lalawigan.

Ang paggamit ng mga paputok ay isa sa mga minana ng mga pilipino sa mga mangangalakal na tsino noon pa mang kapanahunan ng mga kastila - sapagkat nauna nang nakipagkalakal ang mga tsino sa mga pilipino sa pamamagitan ng barter trade.

Kahit na ang kasaysayan ng pilipinas ay mayroong mga pagsasalarawan ng mga okasyong ginamitan ng mga paputok.

Mula sa cbcp media office, ito si melo acuna, nag-uulat para sa china radio international – filipino section. Manigong bagong taon sa ating lahat.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>