Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Balita mula kay Melo Acuna, 2010-01-04

(GMT+08:00) 2011-01-04 18:57:58       CRI
Sa likod ng mga pangambang hindi magaganap malinis na halalan noong mayo, 2010, nangyari din ito at nagkaroon ng nahalal na bagong pangulo at mga pinuno ng mga lalawigan, lungsod at bayan. Nagtagumpay ang automated elections.

Nagduda ang mga Pilipino noon dahilan sa kakulangan ng kredibilidad ng mga nanunungkulan sa Commission on Elections.

Ayon kay Ginoong Rafael M. Alunan iii, dating Kalihim ng Interior and Local Government noong panahon ni pangulong Ramos at dating Tourism Secretary noong panahon ni pangulong Corazon Aquino, nakalulungkot ang kakulangan ng kakayahan ng mga bumubuo sa kasalukuyang administrasyon. Maliban sa mga pangakong uunlad at gaganda ng buhay, walang ipinagkaiba ang mga programa nito sa mga programa ng administrasyon ni dating pangulo at ngayo'y congresista Gloria Macapagal-Arroyo.

Samantala, ayon kay Ginoong Edgardo Lacson, pangulo ng Employers Confederation of the Philippines, nagkaroon ng political stability dahilan sa halalan at nagkaroon ng 4.6 percent growth sa gross domestic product. Umabot din sa 18 bilyong dolyar ang remittances ng mga mangagawang Pilipino na nasa apat na sulok ng daigdig. Mataas din ang confidence level ng mga mamamayan at mga mangangalakal at umabot na ito sa walumpung porsiyento.

Idinagdag ni Ginoong Alunan na mahihirapan ang Pilipinas sa larangan ng usaping panglabas sapagkat ang Estados Unidos ay nahaharap sa iba't ibang tensyon mula sa Arabian Gulf dahilan sa bansang Iran at maging sa South China Sea samantalang dahilan sa paracel and spratlys.

Ani Alunan, huwag naman sanang mauwi sa military standoff ang mga sigalot na kinahaharap ng america sapagkat mahihirapan ang Department of Foreign Affairs at Department of National Defense ng Pilipinas kasama na ang Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration kung paano matutulungan ang mga manggagawang Pilipinong nasa iba't ibang bansa.

Nagkasundo sina Ginoong Alunan at Lacson na problema pa rin ng Pilipinas ang mataas ng presyo ng kuryente kaya't may mga mangangalakal na nagnanais magtayo ng negosyo sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas.

Subalit sinabi ni Ginoong Alunan na magtatagumpay ang Pilipinas at mga mamamayang Pilipino kung magkakaisa, magtutulungan at magsasama-sama sa paglutas ng mga suliranin ng bansa at lipunan.

Bukas tutunghayan naman natin ang mga produktong ipinagbibili ng Pilipinas sa iba't ibang bansa tulad na rin ng China.

Ito si Melo Acuna, mula sa CBCP Media Office sa Maynila, at nag-uulat para sa China Radio International Filipino Section.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>