|
||||||||
|
||
Nagsalu-salo ang Filipino community dito sa Beijing noong December 19th. Idinaos ang pagtitipun-tipon sa Philippine Embassy. Nagtagpu-tagpo ang mahigit 200 pinoy na nag-aaral, nagtatrabaho at naglalakbay sa Beijing bilang pagdiriwang sa Araw ng Pasko.
Sa pagtatapos ng party, magkakasamang kumanta ang lahat ng pinoy ng "Ang Pasko Ay Sumapit". Binanggit din nila kung saang rehiyon ng Pilipinas sila galing at nagpaabot din ng pagbati sa kanilang mga kapamilya at kaibigan sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |