Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

La Nina, nananalanta pa rin sa Pilipinas, 01-07-2011

(GMT+08:00) 2011-01-07 19:05:32       CRI

Patuloy na nadarama ng mga naninirahan sa Bicol region at silangang Kabisayaan ang hagupit ng La Nina phenomenon kasabay ng panahong dala ng amihan.

Karaniwang nagsisimula ang amihan sa buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero subalit higit na lumakas ito dahilan sa La Nina noong huling bahagi ng Disyembre.

Ayon sa tagapagsalita ng PAG-ASA na si Venus Valdemoro, ang mga pag-ulan na ito ang dahilan ng pagbaha at pagguho ng lupa sa iba't ibang bahagi ng Bicol at Samar-Leyte provinces.

Umabot sa 236.4 millimeters ang ulang bumuhos sa Borongan, Eastern Samar sa loob ng 24 na oras noong Enero a-uno at sinundan ng malakas na buhos ng ulan sa Guian, Eastern Samar, Catbalogan, Samar at maging sa Tacloban City sa Leyte Province.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, isang tanggapan sa ilalim ng Kagawaran Ng Tanggulang Pambansa, apektado rin ang mga naninirahan sa Mindoro-Marinduque-Romblon at Palawan, Gitnang Kabisayaan, Cotabato, Caraga, Autonomous Region in Muslim Mindanao at ang region XI na sumasaklaw sa Davao provinces.

May isang daa't tatlumpu't isang libo, pitong daan at walumpung (131,780) pamilya o higit sa kalahating milyong mga mamamayan mula sa isang daa't tatlong (103) bayan, walong (8) lungsod at dalawampu't isang (21) lalawigan ang nakaramdam ng matinding pag-ulan. Halos limang libong evacuees ang nasa pansamantalang matitirhan o evacuation centers.

Dalawampu't siyam (29) katao na ang nasasawi samantalang walo (8) naman ang nasugatan dala ng pagguho ng lupa, pagbaha at biglang paglaki ng alon sa karagatan. May tatlung daang (300) mga tahanan ang napinsala ng mga pag-ulan na ito sa anim na rehiyon ng Pilipinas.

Napinsala na rin ang mga panananim na palay at gulay sa mga sakahan sa Bikol, sa Katimugang Leyte at sa ilang bahagi ng Mindanao. May mga napinsala ring mga pagawaing bayan at mga pribadong ari-arian.

May mga pagkaing ipinalabas ang Department of Social Welfare ang development para sa mga napinsala ng masamang panahon.

Patuloy na maghahatid ng pangunang lunas ang mga tanggapan ng pamahalaan sa mga nasalanta ng masamang panahong ito.

Ayon naman kay Bishop Broderick Pabillo ng CBCO Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace, wala pa silang ulat na natatanggap mula sa iba't ibang bahagi ng bansa. Karaniwang tumutulong din ang simbahan sa mga nasalanta ng mga trahedya sa mg nakalipas na taon.

Mula sa CBCP media office, ito si Melo Acuna, nag-uulat para sa China Radio International Filipino Section.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>