Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Banta ng terorismo, hindi malala,01-11-2011

(GMT+08:00) 2011-01-11 18:22:15       CRI

Wala umanong basehan ang balitang mas nakakabahala na ang kalagayan ng pilipinas kaysa sa katimugang bahagi ng Thailand at Indonesia lalo pa't terorismo ang pag-uusapan.

Sa isang briefing sa Malacanang at sa balitang inilabas ng pamahalaan ngayong hapon, sinabi ni Atty. Edwin Lacierda na maaaring naging dahilan lamang ang serye ng kaguluhan sa Southern Philippines.

Ani Lacierda, hindi matatanggap na pamahalaang Pilipino na mas nakababahala ang Pilipinas kaysa sa Indonesia at katimugang bahagi ng Thailand sapagkat nabawasan na rin ang pagkilos ng Abu Sayyaf sa Mindanao. Bagaman, patuloy pa rin nilang minamatyagan ang mga nagaganap sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

Kung mayroon mang peligro, hindi ito kasing lala ng inaakala.

May nakatakdang pagsususri sa situwasyon sa buong bansa sa isang cabinet workship na idaraos sa Lunes. Isang direktiba ang ipinalabas ni Pangulong Aquino sa mga pinuno ng iba't ibang intelligence agencies.

Pag-uusapan din ang naganap na pangbobomba sa simbahan sa Jolo, sulu noong araw ng Pasko na ikinasugat ng labing-isa katao, kabilang na ang paring namumuno sa isang misa.

Samantala, iba't ibang tanggapan ng pamahalaan sa ilalim ng Department of Science and Technology and nagpalakas ng kanilang pagtutulungan upang mapaghandaan ang darating na panahon ng tag-ulan at bagyo.

Ayon sa director ng pag-asa na si Graciano Yumul, Jr, patuloy na nadarama ang hagupit ng panahong amihan sa silangang Luzon, samantalang ang buntot ng malamig ng hangin ang siyang naghatid ng malalakas na pag-ulan sa kabikolan, kasiyasaan at maging sa Mindanao at ngayong umaakyat na patungo sa katimugang Luzon.

Makakapal pa ring ulap na naghahatid ng pag-ulan sa Samar, Leyte, sa Bicol at sa Mindanao. Kahit na ang palawan na nasa kanlurang bahagi ng bansa ay nakararanas pa rin ng pag-ulan.

Lalabing-isang bagyo lamang ang dumaan sa Pilipinas na higit na mababa sa karaniwang 20 dahilan sa kawalan ng hanging habagat, ang hanging nagmumula sa timog-kanluran ng Pilipinas. Ito rin ang naging dahilan kaya't halos nagkulang ang tubig na naipon sa mga imbakan tulad ng malalaking dam. Malaking bahagi ng mga sakahan sa Pilipinas ang umaasa sa patubig mula sa mga dam.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>