Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdami ng mga Pilipinong lumalabas ng bansa, nakababahala, 01-17-2011

(GMT+08:00) 2011-01-19 17:40:24       CRI

Magpapatuloy pa ang paglabas ng mga manggagawang Filipino patungo sa iba't ibang bansa kung walang makukuhang trabaho sa Pilipinas. Ito ang pahayag ni Fr. Edwin Corros, isang misyonerong pari na naglilingkod bilang Executive Secretary ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa panayam na isinagawa ng CBCP Media Office para sa China Radio International – Filipino Section.

Ibinigay na halimbawa ni Fr. Edwin ang pagdami ng mga nagtapos ng Nursing at Education na walang makuhang trabaho sa mga ospital at mga paaralan sapagkat walang itinatayong mga pagamutan at mga paaralan ang pamahalaan at mga pribadong kumpanya. Ang masaklap pa nito, ani Fr. Edwin, ay tumatanggap na lamang sila ng mas mababang trabaho tulad ng pagiging domestic helper o caregiver kahit pa nakapagtapos sila ng kolehiyo.

Ikinabahala pa rin ni Fr. Edwin ang pagtaas ng bilang ng mga lumalabas ng bansa sa bawat araw sapagkat umabot na sa apat na libong Filipino ang lumalabas ng bansa ngayon. Noong nakalipas na mga tao'y umabot lamang tatlong libong Filipino ang nangingibang-bansa sa araw-araw.

Isang bagay na nakababahala sa ngayon ay ang pagtaas ng halaga ng piso sa palitan nito sa US dollar sapagkat sa pagbuhos ng foreign remittances, unti-unting nawawalan ng halaga ang dolyar kaya't kailangang magdagdag ng oras sa kanilang trabaho ang mga mangagawa upang madagdagan ang kanilang ipinadadalang salapi patungo sa Pilipinas.

Nais ni Fr. Edwin na magkaroon ng higit na aktibong mga embahadang dadalo sa mga pangangailangang konsular ng mga manggagawang nasa iba't ibang bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>