Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating AFP Chief of Staff/Defense Secretary, nagpatiwakal  Feb-08-2011

(GMT+08:00) 2011-02-08 18:41:21       CRI

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagpatiwakal ang Dating AFP Chief of Staff/Defense Secretary na si Angelo Riyes isa sa mga sinisiyasat dahilan sa sinasabing graft and corrupt practices kaninang umaga sa harap ng puntod ng kanyang ina.

Ang dating Armed Forces Chief of Staff at Defense Secretary Angelo Tomas Reyes, animnapu't limang taong gulang, ay nasawi dahilan sa tama ng bala sa kanyang dibdib sa isang pinaniniwalaang pagpapatiwakal. Ito ang pahayag ni Health Secretary Enrique Ona. Patay na ng dumating ang dating kalihim sa Quirino Labor Memorial Medical Center sa Quezon City. Isang tama ng balas a kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na siyang naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Ayon kay Chief Supt. Francisco Manalo ng Eastern Police District, ang initial report na kanilang natanggap ay nagbaril sa sarili ang dating general at kalihim.

Kasama ni Ginoong Reyes ang dalawa niyang anak at personal bodyguard na sinabihang hintayin na lamang siya sa kanilang sasakyan at hindi nagtagal ay umalingawngaw ang isang putok at nakita na nilang nakaratay sa lupa at nagsabi ng katagang "Sorry" samantalang hawak pa ang isang baril.

Ayon kay dating Commodore Rex Robles, dinamdam ni Secretary Reyes ang panggigipit sa kanya at sa kanyang pamilya sa kontrobersyal na pagpapabaon sa mga nagretirong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.

Habang tumatagal ang imbestigasyon sa Senado at Kongreso, patuloy na nababatid ng madla ang sinasabing unexplained wealth ng mga nag-retirong heneral sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang ilang mga Obispo na nagsabing nagulat sila sa pangyayari sa buhay ni Kalihim Reyes. Ayon kay Military Bishop Leopoldo Tumulak, bagama't nakikiramay siya sa pagpanaw ni Kalihim Reyes, hindi nararapat matigil ang pagsisiyasat sa dalawang kapulungan ng bansa.

Sinabi naman ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo na mas makabubuting huwag magpadalus-dalos ang mga nagsisiyasat sapagkat maaaring madamay hindi lamang ang pangalan ng mga kinauukulan kungdi ang mga kasapi ng kanilang mga pamilya.

Ayon kay Archbishop Oscar V. Cruz, napapanahong maibalik ang alinmang ari-ariang hindi naman pag-aari ng pamilya sapagkat mahalaga itong proseso na tinaguriang restitution.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>