Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdiriwang ng Pilipinas ng Valentine's Day          Feb-14-2011

(GMT+08:00) 2011-02-15 17:48:25       CRI

Abala ang halos lahat ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng "Valentine's Day" sa Feb. 14. Karaniwang makikita ang paghahanda sa pagdiriwang ng araw ng mga puso sa biglang pagdagsa ng mga mamimili ng mga bulaklak sa mga karaniwang bagsakan nito sa kamaynilaan. Biglang tumaas din ang presyo ng mga bulaklak mula sa red roses hanggang sa mga imported flowers na nagmula pa sa Europa tulad ng tulips mula sa Netherlands.

Kinaugalian na ng mga kalalakihang magdala ng bulaklak sa kanilang mga minamahal, maging mga kasintahan o kanilang maybahay.

Sa mga mag-asawa, karaniwan namang nagdiriwang sila ng Valentine's Day sa pamamagitan ng isang hapunan sa tanyag na mga kainan o sa mga sikat na restaurant sa mga five-star hotel na umaabot sa higit sa dalawang libo hanggang tatlong libong piso bawat tao o maaaring umabot pa ng hanggang anim na libong piso para sa bawat magkapareha.

Sa mga paaralan nama'y karaniwang nag-hahandog ng mga bulaklak ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro.

Sa Kongreso naman at maging sa Senado ay karaniwang nagbibigay ng mga bulaklak at tsokolate ang mga mambabatas sa mga mamamahayag na kababaihan.

Sa mga kabataan nama'y karaniwang nagpapadala ng mga bulaklak at mga compact discs at stuff toys sa kanilang minamahal. Kung may pagkakataon ay nanonood sila ng sine sa mga tanyag na sinehan at naghahapunan din sa mga sikat na kainan sa malalaking lungsod at bayan.

Nagsimula ang pagdiriwang ng Valentine's Day sa Pilipinas noon pang isang linggo sa pamamagitan ng mga pre-valentine's day concert ng mga sikat na mga mang-aawit mula sa iba't ibang bansa tulad nina Stephen Bishop, Dan Hill at Yvonne Elliman at iba pa.

Ayon sa mga nagsusuri, ang pinakamasaya sa araw na ito bukod sa mga magsing-irog ay ang mga may restaurant, five-star hotels, resorts, department stores at mga concert producers.

Samantala, namahagi naman ng condom ang isang party-list group sa mga kabataan sa kamaynilaan bilang pagdiriwang ng Valentine's Day. Kaagad namang kinondena ng Msgr. Pedro Quitorio ng CBCP media office ang gawaing ito na kawalan ng responsibilidad. Wala umanong koneksyon ang pamimigay ng condom sa araw ng mga nagmamahalan. Ani Msgr. Quitorio, kawalan ito ng responsibilidad ng mga kasapi ng partido politikal ang gawaing ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>