Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pre-Departure Orientation Seminars, higit na kailangan

(GMT+08:00) 2011-02-16 18:53:42       CRI

Matapos lumabas ang balitang tatlong Pilipino ang maaaring mabitay sa iba't ibang bahagi ng China dahilan sa drug-trafficking, lalong tumingkad ang pangangailangang palakasin ang mga Pre-Departure Orientation Seminars na ibinibigay sa mga manggawang Pilipinong nakatakdang lumabas ng bansa upang maghanapbuhay.

Ayon kay Edmund Ruga, program director ng Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People, nanawagan sila sa pamahalaang tulungan ang mga Pilipinong nahaharap sa matitinding pagsubok tulad halimbawa ng mga usaping may kinalaman sa bawal na gamot.

Ayon kay Ginoong Ruga, nakalulungkot na mga overseas Filipino workers ang madalas masangkot sa pagdadala ng mga bawal na gamot sa iba't ibang bansa.

"Mayroong mahihigpit na batas na ipinatutupad ang iba't ibang bansa kaya't mas makabubuting malaman na ito ng mga paalis na manggagawa," sabi pa ni Ruga.

Kung magkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga Pilipinong umaalis ng bansa, hindi sana napahamak ang tatlong nadakip na Pilipino noong 2008.

Sa panig naman ni Senador Loren Legarda, Chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, marapat lamang na gawin ng Department of Foreign Affairs ang lahat upang mailigtas ang mga Pilipino sa tiyak na kamatayan at mahatulan na lamang ng pagkakabilanggo ng habang-buhay o mas mababa pang kaparusahan.

Sa isang kalatas, sinabi rin Senador Legarda na kailangang higpitan pa ang batas na nagbabawal sa human trafficking lalo't higit ang pagpapataw ng mas mabibigat na kaparusahan sa mga banyagang aabuso sa mga Pilipino at Pilipina sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga bawal na gamot sa iba't ibang bansa.

Isang halimbawa na ang kaso ni Sally Ordinario Villanueva na pinag-utusang magdala ng bagahe sa kanyang magiging bagong amo papasok sa China. Magugunitang isa sa mga bansang nakapahigpit sa paglaban sa illegal na droga ay ang China.

Ito si Melo Acuna, mula sa CBCP Media Office at nag-uulat sa China Radio International – Filipino Section.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>