Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PANGALAWANG PANGULONG BINAY, HINDI NA MUNA MAGLALAKBAY SA CHINA

(GMT+08:00) 2011-02-17 17:12:51       CRI

Hanggang ngayo'y pinag-uusapan pa rin sa executive at legislative branches of government sa Kamaynilaan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipinong napipiit dahilan sa pagdadala ng illegal na droga papasok sa iba't ibang bansa.

Sinabi ni Ginoong Jejomar Binay, ang bise-presidente ng Pilipinas na hindi tinanggap ng pamahalaan ng China ang kanyang pagdalaw sa Beijing upang ipanawagan ang kaligtasan ng tatlong Pilipinong nahaharap sa parusang kamatayan sa susunod na linggo.

Sa isang press conference sa Malacanang, sinabi ni Ginoong Binay na nagpahayag ang pamahalaan ng China na hindi umano angkop ang kanyang pagdalaw doon sa mga panahong ito. Ayoin kay Ginoong Binay, ito ang ipinarating sa kanya ni Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos, Jr. Niliwanag ni Binay na kahit pa tinanggihan ang kanyang pagdalaw doon ay mayroon pa ring nananatiling pag-asa sapagkat hindi pa naman naisasagawa ang parusa sa mga Pilipinong nagkasala.

Kahapon lamang ay nadakip ang isang Pilipinang maydalang ilang piraso ng mga kapsulang naglalaman ng heroina mula sa Pakistan patungong China na idinaan sa Pilipinas.

Bukod sa kanyang nilunok na mga kapsula ay naglagay pa ng isang malaking "kapsula" sa arin ng Pilipinang nakilala sa pangalang Marita Reyes. Nakatakda sanang ipasa ang kargamento sa isa pang drug mule papasok ng Tsina ng madakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation.

Ayon kay Congressman Neri Javier Colmenares, umaasa siyang mababawasan ang parusang kamatayan at maging pagkakabilanggo na lamang ng habang-buhay. Tatlong Pilipino ang nahatulan ng kamatayan sa China, isang lalaking 42 anos nahatulan sa pagdadala ngpat na libo at isang daan at labing tatlong gramo ng heroina noong a-veinte ocho ng Disyembre taong 2008 sa Xiamen, isang tatlumpu't dalawang taong gulang na babaeng nagpuslit ng 6,800 gramo ng heroina noong Mayo 24, 2008 sa Shenzhen.

Ayon sa mambabatas, dapat alamin ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang kinasasadlakan ng mga manggagawang Pilipino sa iba't ibang bansa. Umaabot na umano sa anim na raa't tatlumpung mga Pilipino at Pilipina ang napipiit sa iba't ibang bansa dahilan sa malalakas na international drug syndicates. Sa China pa lamang daw, umaabot na sa dalawang-daan at limang bilanggo ang napipiit dahilan sa mga piitan.

Kabilang sa mga napag-alamang nagkasala sa batas ng Thailand, ay ang isang guro mula sa Bacolod City na nagngangalang Flory May Talaban, na maaaring nalinlang ng sindikatong may illegal na kalakal. Sinamahan niya ang kanyang amo patungong China at nadakip samantalang may dalang groga. Nagtapos siya ng kolehiyo sa isang prominenteng paaralan sa Bacolod City.

Ikinalungkot din ng mambabatas na karamihan sa mga nabiktima ng sindikato ay mga kabataang professional mula sa mahiahirap na pamilya, na inaalok ng kung anu-anong kagamitan at libreng paglalakbay ng walang kamalay-malay ay gagawing tagapagdala ng droga.

Ito si Melo Acuna mula sa CBCP Media Office, nag-uulat para sa China Radio International Filipino Section.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>