Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Peace talks, ipinagpasalamat ng CBCP   Feb-21-2011

(GMT+08:00) 2011-02-21 17:59:02       CRI

Samantala, ipinagpasalamat naman ni Bishop Nereo P. Odchimar ang pagbabalik sa negosasyon ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front at ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng Communist Party of the Philippines – National Democractic Front – New People's Army. Sa kanyang pahayag na ipinalabas ngayon, sinabi ng pangulo ng Kapulungan ng mga Obispo sa Pilipinas na napapanahon na ang pagbabalik sa negosasyon ng magkakalabang panig.

Magugunitang naudlot ang pag-uusap ng pamahalaan at ng MILF noong Agosto 2009 matapos ang kontrobersya sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain na nakatakda sanang lagdaan ng Pamahalaan at ng MILF sa Kuala Lumpur.

Natigil din ang pag-uusap sa pag-itan ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng mga Komunista mula noong taong 2005.

Sinabi ng opisyal ng Simbahan na higit na malayo ang mararating ng bansa kung magkakaroon ng kapayapaan. Magugunitang marami na ring mga nasawi sa panig ng pamahalaan at ng mga nag-aaklas mula pa ng mag-deklara ng pakikidigma ang mga Komunista noong 1969 at ang Moro Islamic Liberation Front mula naman ng makipagkasundo ang Moro National Liberation Front noong 1996. Bukod sa bilang ng mga nasawi sa mga sagupaan, marami na ring mga pagawaing bayan ang napinsala sa bawat sagupaang nagaganap sa kanayunan.

Maganda umanong pangitain ang pag-uusap ng mga magkakalabang panig lalo pa't ipinagdiriwang ang ika-25 taon ng EDSA People Power 1 ngayong linggong ito sa buong bansang Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>