Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga leksyong natamo sa drug mules na nasa China  Feb-21-2011

(GMT+08:00) 2011-02-21 18:00:02       CRI

Mula sa Maynila, maraming leksyon ang matututuhan sa kinasasadlakang suliranin ng tatlong Pilipino sa China. Magugunitang unang nahatulan ng kamatayan ang tatlo, isang Filipino at dalawang Filipina, matapos mapatunayang nagkasala sa pagpupuslit ng ipinagbabawal na gamot papasok sa bansa.

Ayon kay Fr. Edwin Corros ng Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People, unang-una na ang nagpapasalamat siya sa pamahalaan ng China sa kanilang desisyong huwag munang igawad ang parusang kamatayan sa mga bilanggong Pinoy. Pangalawa'y nagpasalamat din siya sa lahat ng mga Pilipinong nanalangin para sa kaligtasan ng kanilang kababayan.

Ang unang leksyon na dapat mabatid ng lahat ay ang mga bansang tulad ng China ay mahigpit na nagpapatupad ng kanilang mga batas at ang anumang kaparusahan ay ipinapataw sa sinumang nagkasala.

Ang pangalawang leksyon ay ang paghihigpit sa mga paliparan upang huwag makalabas ang mga Pilipinong may dalang ipinagbabawal na gamot. Ani Fr. Corros, nakapagtatakang hindi nadarakip ang mga Pilipino na may dalang bawal na droga sa kanilang pag-alis sa Pilipinas samantalang pagdating sa paliparan tulad ng Xiamen at iba pang lungsod sa China ay nadarakip sila ng mga autoridad doon.

Matagal na aniyang nasa ilegal na kalakal ang mga sangkot sa ilegal na gamot. At hindi mawawala sa kanila ang pag-iisip ng mga paraan upang huwag madakip ng mga kinauukulan. Ito ang dahilan kaya't may mga Pilipinong nakukumbinseng magdala ng cocaine at iba pang ilegal na gamot sa iba't ibang bansa.

Tulad ng ilang mga nagsusuri sa lipunan, tulad ng mga mamamahayag, naniniwala si Fr. Corros na ang kahirapan ang isa sa pinakamabigat na dahilan kaya't lumalabas ng bansa ang mga Pilipino sa pag-asang magkakaroon ng maayos na hanapbuhay. Ito na rin ang pagkakataon upang makumbinse sila ng mga sindikatong magdala ng mga bawal na gamot papasok sa ibang bansa.

Mga ilang taon na ang nakalilipas, ang karaniwang nadarakip sa ibang bansa samantalang may dalang ilegal drugs ay mga magdaragat o seafarers. MArami-rami rin sa kanila ang nabilanggo sa Timog America at Europa. Subalit patuloy nang nawala ang mga ito sapagkat hinigpitan pa ang mga alituntunin sa iba't ibang daungan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>