Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Pangulong Jejomar Binay patungo sa Gitnang Silangan Feb-23-2011

(GMT+08:00) 2011-02-23 16:18:16       CRI

Mula sa Maynila, nakatakdang umalis sa Biyernes si Pangalawang Pangulo Jejomar C. Binay tungo sa isang linggong paglalakbay sa tatlong bansa sa Gitnang Silangan.

Ayon sa kanyang tagapagsalita na si Joey Salgado, dadalaw si Ginoong Binay sa Kuwait, Riyadh sa Saudi Arabia at maging sa Abu Dhabi at Dubai sa United Arab Emirates. Pinag-utusan siya ni Pangulong Benigno Smeon Cojuangco Aquino III na alamin ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino doon.

Sinabi ni Ginoong Binay na kakausapin niya ang iba't ibang mga pinuno ng bansang kanyang dadalawin upang mabatid kung ano ang tunay na kalagayan ng mga manggagawa. Layunin din niyang magkaroon ng bilateral discussions upang maisaayos ang mga kasunduang gagarantiya sa kapakanan ng mga manggagawang Pinoy.

Tiniyak din ni Ginoong Binay ang pakikipagtulungan ng kanyang tanggapan sa Department of Foreign Affairs at mga embahada sa Gitnang Silangan upang makatugon sa anumang pangangailangan ng mga manggagawang aabot sa ilang daang libong kalalakiha't kababaihan.

Nais din niyang malaman kung anu-anong uri ng tulong ang naiparating na nila sa mga manggagawang may iba;t ibang suliranin sa Gitnang Silangan. May mga takdang pagdalaw din siya sa mga welfare centers at job sites ng mga Pinoy.

Dadalaw siya sa Kuwait nang napapanahon sa Kuwait National Day, bilang opisyal na kinatawan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Ayon sa datos ng Kagawaran ng Paggawa, pinakamaraming mga Pilipinong manggagawa sa Gitnang Silangan.

Samantala, nanawagan din ang mga kamag-anak ng iba pang mga Pilipinong napipiit sa iba't ibang bansa tulad ng China. May ilang daang Pilipino rin ang nadakip sa pagpupuslit ng bawal na gamot sa iba't ibang paliparan sa iba't ibang bansa. Nanawagan silang pakinggan din ang kanilang mga mahal sa buhay na nalinlang lamang ng mga sindikato.

Ito si Melo M. Acuna mula sa CBCP Media Office, nag-uulat para sa China Radio International – Filipino Section.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>