Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga opisyal ng Department of Foreign Affairs, umalis na patungong Gitnang Silangan Feb-24-2011

(GMT+08:00) 2011-02-24 18:19:05       CRI
Ang mga tauhan ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas at mga tauhan ng mga embahadang nasa Cairo and Tripoli ay handang-handa ng tumulong sa mga Pilipinong nasa Libya samantalang patuloy na umiigting ang situasyon doon.

Inaasahang darating na ang anim kataong delegasyon mula sa Maynila na pinangungunahan ni Executive Director Ricardo Endaya sa Tripoli ngayon upang tulungan ang mga tauhan ng embahada sa pagproseso ng mga papeles ng manggagawang Pinoy na nagnanais nang bumalik sa Pilipinas.

Isang koponan naman mula sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo ang nakarating nasa hangganan ng Egipto at Libya upang tulungan ang mga manggagawang magmumula sa Benghazi, Al Baida at mga kalapit lugar.

Nakausap na nila si Engineer Judith Tuvera ng tumawid mula sa Tobruk sa Libya patungo sa Alexandria kasama ang kanyang employer. Kausap na rin ang dalawampu't apat na Pilipinong nagbabalak tumawid mula sa Tobruk patungong Alexandria ngayong Huwebes.

Mga alas singko ng hapon, oras sa Pilipinas inaasahang darating ang isang koponan ng mga diplomatang Pilipino sa hangganan ng Tunisia upang magtayo ng isang command post para sa mga Pilipinong aalis sa Tripoli at mga kalapit pook. Pumayag na ang Tunisia na makapalapag ang mga eroplanong sasakyan ng mga Pilipinong manggagawa.

Pansamantalang naninirahan ang mga Pilipinong manggagawa sa isang paaralang Pilipino at Simbahang Katoliko sa Tripoli at sa dalawang paaralang Pilipino sa Benghazi. Ang mga Pilipinong makalalabas sa Libya ay maglalakbay patungong Tunis at doon sila maglalakbay patungong Alexandria at Cairo sa Egipto upang makasakay sa mga eroplanong maghahatid sa kanila sa Pilipinas.

May pagtutulungan na ang Department of Foreign Affairs ng Pilipinas at ang International Organization for Migration. Unang naglabas ang DFA ng $ 150,000 para sa Embahada samantalang may pangako ang Department of Labor ang Employment na P 25 milyong piso para sa repatriation efforts. Ang Overseas Workers Welfare Administration ay may inilaan ding isang daang milyong piso para sa mga manggagawa sa Gitnang Silangan.

Mula sa Tripoli, sa isang naantalang balitang nakarating sa Catholic Bishops Conference of the Philipines, mula umano noong a-beinte ng Febrero ay nakaririnig na sila ng putukan na singlakas ng putok ng AK-47. Madalas na silang makarinig ng mga helicopter subalit walang putukan. Nagbarikada na ang mga Pilipino sa paligid ng simbahang Katoliko at ayon sa kanilang Obispo ay mas ligtas sila sa loob nito. Mas ligtas umano ang simbahan kaysa sa Embahada ng Pilipinas.

Mula pa noong 1971, hindi naman ginalaw o binato man lang ang Simbahan. Wala naman silang ibang mapupuntahan kung sakaling pasukin ng mga armado ang kanilang kinalalagyan.

Ayon sa kay Father Hermilo Vilason, isang Franciscan Missionary na nasa Tripoli, dadalawa sa kanilang mga kasama ang marunong magsalita ng Arabo at wala namang pupuntahan kung sakaling lumabas man sila roon. Kinansela ang lahat ng Misa sa simbahan mula noong a-veinte uno ng Febrero. Wala na rin silang FaceBook at iba pang social networks. Humingi ang pari ng panalangin mula sa mga Pilipinong nasa ligtas na kalagayan.

Ito si Melo Acuna mula sa CBCP Media Office, nag-uulat para sa China Radio International-Filipino Section.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>