Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

EDSA 1 Ipinagdiwang, Pangalawang Pangulo Humingi ng Panalangin

(GMT+08:00) 2011-02-25 18:57:26       CRI

Samantalang nagdiriwang ang mga namuno sa EDSA People Power 1 dalawampu't limang taon na ang nakararaan, humingi naman ng panalangin si Pangalawang Pangulo Jejomar C. Binay sa mga Pilipino na manatiling ligtas ang mga libu-libong manggagawang Pinoy sa Bahrain, Libya at Yemen na kasalukuyang may kaguluhan.

Sinabi naman ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na ang maayos na pamamalakad ng pamahalaan at masinop ng paggastos ng salapi ng bayan ang mahalaga sa pagpapanatili ng pagkakaisa ng mga mamamayan.

Ito ang buod ng kanyang talumpati sa pagtataas ng bandila sa EDSA People Power Monument sa Quezon City kaninang umaga.

Mapalalakas ang Demokrasya kung mapalalakas pa ng pamahalaan ang pagtitiwala ng taongbayan sa pamahalaan. Ito ang pagpapakita na buhay na buhay pa ang diwa ng EDSA na siyang nagluklok sa kanyang ina na si Pangulong Corazon Cojuangco Aquino noong 1986.

Kaninang umaga'y inalis na ang lambong na bumabalot sa bantayog ni Jaime Lachica Cardinal Sin, ang pangatlong Cardinal ng Pilipinas, na may dugong Chino. Si Cardinal Sin ang isa sa mga nanawagan sa mga mamamayan upang tulungan sina dating Defense Minister Juan Ponce-Enrile at Lt. General Fidel V. Ramos noong sila'y mag-aklas laban sa noo'y Pangulong Ferdinand Edralin Marcos may dalawampu't limang taon na ang nakalilipas.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Manila Archbishop Gaudencio Borbon Cardinal Rosales angkop ang pagkakatayo ng bantayog na nagpaparangal kay Cardinal Sin sapagkat nasa panulukan ng mga lansangang ipinangalan sa dalawang iginagalang na bayani ng Republika ng Pilipinas na sina Gat Andres Bonifacio at Padre Jose Burgos.

Ayon sa Arsobispo ng Maynila, ipinagugunita lamang ng yumaong Cardinal Sin na magtatagumpay ang mga Pilipino laban sa diktadura at kawalan ng katarungan sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

Idinagdag pa ni Cardinal Rosales na nasa sangangdaan ang mga Pilipino at malayang makapamimili ng daang nais tahakin – sa pagitan ng banal at 'di banal, sa pag-itan ng salapi at ng Diyos, at pag-itan ng mabuti at masama.

Sumakay ng Emirates Flight EK 333 patungo sa Gitnang Silangan upang alamin ang tunay na kalagayan ng mga manggagawang Pinoy doon. Umalis si Binay sa kautusan ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquio III matapos magsunod-sunod ang pagsiklab ng pag-aaklas sa Gitnang Silangan.

Ayon sa pangalawang pangulo, ito ang pagkakataong maipakita ng pamahalaan ang pagkabalisa nito sa kalagayan ng mga manggagawa doon at nang makaharap na rin ang ilang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, Saudi Arabia at Abu Dhabi.

Ito si Melo Acuna mula sa CBCP Media Office nag-uulat para sa China Radio International Filipino Section.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>