Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Patuloy na Lumalala ang Situasyon sa Libya

(GMT+08:00) 2011-02-28 17:45:18       CRI

Mula sa Maynila, natanggap ng Episcopal Commission on Pastoral Care of Migrants and Itinerant People ang naantalang balita mula kay Fr. Amado Baranquel, isang Franciscan Missionary sa Tripoli.

Ibinalita ng pari na napakahirap ng komunikasyon mula pa noong Biyernes sa Libya sapagkat patay-buhay ang internet at ang mobile phones. Noon pang nakalipas na Huwebes, nagbigay ang pari ng isa pang pook na mapupuntahan upang makapaghanda sa kanilang paglikas palabas ng Libya.

Mahirap umano ang kanilang kalagayan ngayon sapagkat ayon sa mga narses ng Filipina, napakarami ng mga nasawi at mga sugatang dinadala sa kanilang mga pagamutan. May mga sagupaang nagmula noong Huwebes ng hapon hanggang sa lumalim ang gabi. Mula pa noong isang linggo ay nagsilikas na ang iba pang mga banyaga sa Libya tulad ng mga Europeo at mga Americano na dumaan sa hangganan ng Tunisia at Egipto.

Ayon kay Fr. Amado, nakaririnig siya ng putukan samantalang inihahanda ang balitang ito kasabay ng ilang pagsabog. Lahat ng lansangan ay hinarangan na at 'di na madaanan ng mga sasakyan sapagkat inaasahan ang pagdating ng mga nagpo-protestang mga mamamayan. May mga tangke at machine gun sa mga lansangan papasok ng lungsod ng Tripoli at sa halos lahat ng panulukan. Lubhang nababahala ang mga Pilipino ngayon at walang humpay sa pagtawag sa mga misyonerong pari at nagtatanong kung saan sila patutungo.

Maraming mga OFW ang naninirahan sa tanggapan ng OWWA at sa Philippine Community School. Halos paubos na ang kanilang mga pagkain at tubig na maiinom. Sarado na rin ang mga tindahan.

Ayon kay Bishop Giovanni Innocenzo Martinelli, OFM, kailangan pang lakasan ng mga mamamayang Pilipino ang kanilang loob at kilalaning isang pagsubok ang kanilang karanasan ngayon. Ilan sa mga madre ang nakalikas na mula sa Tripoli. Pansamantalang isinara ang Simbahan at hindi na muna pinalabas ng Simbahan o kanilang mga tahanan ang mga Pilipinong nasa Tripoli. Mga armadong sibilyan ang nagpapatrolya sa mga lansangan.

Mahirap umanong maglayag patungong Malta ang mga sasakyang dagat dahilan sa malalaking alon sa Mediterranean sea. Lubhang ikinabahala ng mga mamamayang Pilipino ang pahayag ni Ginoong Moammar Khadaffy na hindi siya bibitiw sa kanyang puesto.

Samantala, hindi natuloy ang paglalakbay ni Philippine Vice President Jejomar C. Binay sa Saudi Arabia sa hindi pa malamang dahilan. Inutusan na ni Pangalawang Pangulong Binay ang mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na ipunin ang mga manggagawang Pilipino sa kanyang nakatakdang pagdalaw doon.

Ayon kay Acting Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo, may 440 na ang nakalabas ng Libya at dumaan sa Tunisia ngayong Lunes sa paglalakbay sa buhanginang katatagpuan ng mga pro- at anti-government checkpoint na ang ila'y katatagpuan ng mga armadong mga kabataan.

Nakatulong umano ang pagiging pala-ngiti ng mga Pilipino, ayon sa report ng mga pahayagan. Lumipad patungong Gitnang Silangan ang bagong hirang na Kalihim ng Usaping Panglabas upang pangasiwaan ang pagtulong at pagpapa-uwi sa mga manggagawang naroon sa magugulong bansa.

Ito si Melo M. Acuna mula sa CBCP Media Office nag-uulat para sa China Radio International Filipino Section.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>