Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Manggagawang pinoy, malamang na magkatrabaho muli  Feb-03-2011

(GMT+08:00) 2011-03-03 19:11:15       CRI

Malaki ang posibilidad na magkatrabahong muli ang mga manggagawang pansamantalang umuwi ng Pilipinas dahilan sa kaguluhan sa Gitnang Silangan at sa Hilagang Africa.

Ito ang pagtataya ni Labor and Employment Undersecretary Danilo P. Cruz sa panayam ng CBCPNews at China Radio International-Filipino Section.

"Ang karamihan ng mga Pilipino sa Libya ay mga propesyunal at talagang magagaling sa kanilang mga hanapbuhay kaya't nakatitiyat silang makatatagpo ng bagong hanapbuhay sa loob at labas ng Pilipinas,' dagdag pa ni Ginoong Cruz, naglingkod bilang Labor Attache sa iba't ibang bansa bago naitalagang Assistant Secretary at ngayong Undersecretary.

Sa mga manggagawang hindi na nagbabalak lumabas ng bansa, tutulungan sila ng pamahalaang sumailalim sa re-integration program at maaaring pahairamin ng kapital pamahalaan.

Niliwanag ni Ginoong Cruz na ang isang leksyong natutuhan ng bansa at ng pamahalaan ay ang paglalagay sa sapat na salapi sa Department of Foreign Affairs na handang gastusin para sa dagliang paglilikas ng mga mamamayan mula sa mga problemadong bansa.

May sampung libong pisong nakalaan sa mga mangagawang walang sinahod sa kanilang paglisan sa kanilang workplace.

Binanggit ni Ginoong Cruz na kung mayroon lamang sapat na logistics, maaaring mas madaling nailikas ang mga mangagawa at naihatid sa higit na ligtas na lugar. Libu-libo na ring mga manggagawang Pilipino ang nailikas mula sa Libya bagama't higit na mas malaki ang bilang ng mga naiwanan doon.

Samantala, mula bukas, ang lahat ng impormasyon mula sa mga manggagawang tungkol sa Gitnang Silangan, ay sa Department of Foreign Affairs na matatagpuan.

Mula sa CBCP Media Office, ito si Melo Acuna, nag-uulat para sa China Radio International.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>