Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Balitang May Nuclear Fall-Out sa Pilipinas, Hindi Totoo

(GMT+08:00) 2011-03-14 17:44:57       CRI
Walang basehan ang mga text messages na kumalat sa buong bansa ngayong araw na ito na nagsasabing mayroong nuclear fallout dala ng naganap na napakalakas na lindol sa Miyagi Prefecture at pagkasira ng isang plantang nukleyar sa Fukushima, Japan.

Nagsimulang kumalat ang text message na nagsasabing mula sa isang banyagang news agency ang balita kaninang umaga. Pinayuhan pa ang mga mamamayan na huwag lalabas ng bahay sa loob ng dalawampu't apat na oras at magsara ng mga bintana. Nakagugulat at nakatatawa ang payo na magsuot ng kapote kung kailangang lumabas ng bahay upang huwag masunog ang balat.

Ayon kay Mario Palafox na isang weather forecaster Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, malayo sa katotohanan ang kumalat na text message sapagkat ang hanging napupuna nila sa Japan ay nagmumula sa kanluran patungong silangan.

Ani Ginoong Palafox, ang hanging nadarama sa Pilipinas ngayon ay mula sa hilagang silangan subalit hindi nagmumula sa may Japan kungdi sa China.

"Walang anumang basehan ang kumalat na text message sa iba't ibang bahagi ng bansa," dagdag pa ni Ginoong Palafox.

Karaniwang may mga kumakalat na maling balita sa tuwing magkakaroon ng mga malalaking pangyayari sa loob at labas ng bansa. Tinaguriang mga "kwentong kutsero," ang mga impormasyong ito'y kumalakat ng walang anumang kumpirmasyon mula sa mga kinauukulan at nagiging dahilan ng pagkabalisa ng mga mamamayan.

Sa panig naman ng Philippine Nuclear Research Institute, nagsimula na silang magsuri ng hangin mula noong Sabado ng umaga, matapos masira ang nuclear plant sa Fukushima. Walang anumang kakaibang napuna sa uri ng hangin sa Kamaynilaan at mga kalapit pook.

Ayon sa isang kalatas mula sa Philippine Nuclear Research Institute, kung sakali mang magkaroon ng isang maka-kabuteng usok mula sa plantang nukleyar sa Japan, hindi makararating ang usok na ito ngayong araw na ding ito.

Mula sa CBCP Media Office, ito si Melo M. Acuna, nag-uulat para sa China Radio International – Filipino Section.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>