Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, iginagalang ang desisyon ng China

(GMT+08:00) 2011-03-23 18:56:20       CRI

Iginagalang ng Pilipinas ang desisyon ng China na ituloy ang pagbitay sa tatlong Pilipinong nahatulan ng kamatayan dahilan sa pagpupuslit ng droga papasok sa Xiamen at Shenzhen. Ito ang laman ng pahayag ng Department of Foreign Affairs na ikinalat na sa mga mamamahayag.

Magugunitang una nang binanggit ng Chinese Ambassador to the Philippine Liu Jianchao na itutuloy ang pagbitay sa mga susunod na panahon at walang anumang magagawa upang mailigtas pa ang tatlo.

Aalis ang mga kamag-anak ng tatlong kondenado ngayong Sabado upang makasama ang kanilang mahal sa buhay sa nalalabing panahon. Ang tatlo ay sina Ramon Credo, 42 anyos, Elizabeth Batain, 38 anyos at Sally Villanueva, 32 anyos.

Igagawad ang parusa sa loob lamang ng isang araw. Sinabihan na ang mga kamag-anak ng mga kondenado tungkol sa napipintong pagbitay. Naibigay na rin naman ng Department of Foreign Affairs ang lahat ng tulong na legal at ayuda ng mga tauhan ng embahada. Tiniyak din ng Pamahalaang Chino na iginalang ang lahat ng kanilang mga karapatan hanggang sa mga huling araw na ito.

Iginiit ng Pilipinas na ang tatlo'y nagmula sa mahihirap na pamilya kaya't nahumaling na magpuslit ng iligal na droga sa China.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>