|
||||||||
|
||
Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa pagpaslang sa isang babaeng radio anchor sa Malabon City kaninang umaga. Kinilala ng mga autoridad ang biktima sa pangalang Len Flores Somera, isang brodkaster ng DZME at kasama sa isang palatuntunang may kategoryang "public service."
Si Somera, apat napu't apat na taong gulang ay namatay sa isang tama ng bala sa kanyang batok. Isinugod siya sa pagamutan subalit patay na ng idating doon. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga kinauukulan sa insidente.
Si Somera ang ikalawang mamamahayag na napapaslang sa taong ito. Unang pinatay ang beterinaryo Dr. Gerry Ortega ng Puerto Princesa City sa Palawan kamakailan. Si Ortega ay isang masugid na kalaban ng mga malalaking kumpanyang nagmimina sa lalawigan na kilala bilang "last frontier of the Philippines."
Sa mga nakalipas na panahon, tinagurian ang Pilipinas bilang isa sa pinakamapanganib na pook para sa mga mamamahayag.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |