Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, nagpadala ng ayuda sa japan at iba pang balita

(GMT+08:00) 2011-03-25 19:17:53       CRI
Higit sa sampung toneladang "relief goods" ang ipinadala ng Pilipinas sa Japan bilang bahagi ng pakikipagkaibigan at pagdamay sa mga nasalanta ng napakalakas na lindol at tsunami sa Japan mga dalawang linggo na ang nakalilipas.

Halos isang milyong pisong halaga ng "relief goods" ang ipinadala ng Department of Social Welfare and Development at Department of Foreign Affairs sa Philippine Air Lines kanina.

Ang "relief goods" na ipinadala ay tugon sa pangangainlangan ng Japan sa Pilipinas tulad ng mga pagkain, mga tuwalya, mga noodles, dust masks at mga banig na mula sa Department of Social Welfare and Development. Darating ang mga kagamitang ito sakay ng Philippine Air Lines sa Japan ngayong gabi.

Si Philippine Ambassador to Japan Manuel M. Lopez ang magbibigay ng mga relief goods sa mga autoridad ng Japan.

INAASAHANG aabot sa limampung libo katao ang dadalo sa isang pagtitipon sa harapan ng Quirino Grandstand upang ipahayag ang pagtutol sa kontrobersyal na "Reproductive Health Bill." Nagsimula kaninang ika-apat ng hapon ang pagdating ng mga mag-aaral, mga magulang at mga kinatawan ng iba't ibang samahan at pananampalataya upang manawagan sa mga mambabatas na huwag nang isulong pa ang panukalang batas.

Ang pinag-uusapan dito ay ang paggamit ng pondo ng pamahalaan sa pagbili at pamamahagi ng mga "artificial contraceptives" mula sa Kamaynilaan hanggang sa kasulok-sulukang bahagi ng bansa.

Pinamumunuan ni Manila Archbishop Gaudencio B. Cardinal Rosales ang malawakang pagtitipon ngayong hapon hanggang mamayang ika-siyam ng gabi.

SAMANTALA, umaasa si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na malulutas din sa madaling panahon ang pagpaslang sa "radio anchor" Len Somera kahapon. Ibinalita na umano ng National Capital Region Police Office na kilala na ang posibleng nasa likod ng karumal-dumal na krimen.

Sa tulong umano ng mga saksi ay higit na mapapabilis ang paglutas sa krimen. Magugunitang patungo sa kanyang programa ang biktima ng barilin ng nag-iisang armado kahapon. Isa umano sa "claimants" sa isang lupain sa Malabon City ang biktima.

MALUGOD namang ibinalita ni Philippine Ambassador to Myanmar Hellen Barber na walang Pilipinong nasugatan o namatay sa 6.8 magnitude na lindol na yumanig sa hilagang-silangang bahagi ng Myanmar. Ang Embahada ng Pilipinas ay mayroong "close contact" sa mga Pilipino sa bansa.

Aabot sa 340 mga Pilipino ang nasa Myanmar at ayon sa talaan ng embahada, walang Pilipinong nagtatrabaho sa Shan State – na napakalapit sa hangganan ng Myanmar at Thailand.

Unang nabalitang may animnapu katao ang nasawi sa lindol matapos matumba ang ilang gusali at magiba ang mga tahanan sa dalawang bayang malapit sa pinaka-sentro ng lindol.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>