Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hostages sa Agusan, nakalaya na; Halos limang libong manggagawa sa Saudi, Makakauwi na sa Pilipinas; Palatuntunan para sa rice terraces kailangan

(GMT+08:00) 2011-04-06 17:49:13       CRI

MULA SA PROSPERIDAD, Agusan del Sur, iniwan ng mga armadong Manobo ang nalalabing labing-dalawang hostages kaninang umaga samantalang naglunsad ang militar at pulisya ng sinasabing "calibrated operation" upang mapalaya ang mga biktima.

Walang putukang naganap sa pagbawi sa mga biktima sa isang kasukalan sa isang bahagi ng kabundukan sa labas ng Barangay La Purisima kaninang ika-anim na umaga. Hinahabol pa ng mga pulisya't militar ang limang armadong Manobo.

Ayon sa mga tagapagsalita ng militar at pulisya, kinausap nila ang mga armado subalit nang lumabas na walang patutunguhan ang mga pag-uusap, naghanda sila ng pananalakay sa pinagkukutaan ng mga Manobo at mga biktima. Natapos ang kanilang mga pag-uusap noong araw ng Linggo.

Lahat ng mga biktima ay nasa pangangalaga na ng mga autoridad. Hinihingi ng mga armadong katutubo ang titulo sa kanilang mga lupain at ang pagpapalaya sa kanilang kasamang akusado ng "kidnapping" ng pitumpu't siyam katao noong 2009. Mga guro at mga mag-aaral ang mga pinakahuling biktima ng "kidnapping" sa Agusan del Sur.

Magugunitang na-hostage ang labing limang guro at mga mag-aaral noong Biyernes samantalang papasok sa kanilang paaralan.

SUMANG-AYON ang Kaharian ng Saudi Arabia na madaliin ang pagpapauwi sa apat nalibo, limang-daang "overstaying" na mga Filipinong manggagawa doon. Ang kagandahang-loob na ito'y ayon na rin sa kabaitan ng tagapag-alaga ng dalawang Banal na Mosque na si King Abdullah bin Abdul Aziz Al-Saud na nakapag-palaya na rin ng maraming mga manggagawang Filipino sa nakalipas na panahon.

Ito ang balitang hatid ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa kanyang pagdating mula sa isang linggong pagdalaw sa Qatar at Saudi Arabia.

Inaasahang ang kagyat na pag-uwi ng mga manggagawa sa oras na matapos ang kanilang mga papeles at makabili ng kanya-kanyang tiket sa eroplano pabalik sa Pilipinas.

Mangangailangan ng higit sa isang daa't apatnapu't tatlong milyong piso (P 143 M) para sa pamasahe ng apat na libo, limang-daang overstaying Filipinos sa "resource centers" sa Riyadh at Jeddah, sa Hajj Terminal at sa mga pribadong tahanan sa Saudi Arabia.

Nagbabayad pamahalaan ng Pilipinas na labing-limang Saudi Arabian riyal sa bawat araw na pananatili ng bawat Filipino sa Hajj Terminal.

May posibilidad ring mabuksang muli ang kaharian para sa mga manggagawang Pinoy sapagkat magkakaroon ng "bilateral meeting" sa Maynila mula sa ika-15 ng Abril tungkol sa mga isyung bumabalot sa kontrobersya.

Mayroon nang mga Filipino na naglingkod sa mga tahanan ng Saudi nationals sa halos dalawampu't limang taon at naging bahagi na ng kanilang lipunan. Nakatakdang baguhin ang recruitment process upang higit na maging maganda ang relasyon ng mga manggagawa at ng kanilang pinaglilingkuran. Magkakaroon na rin ng "24-hour hotline" na matatawagan ang mga manggagawang Filipino sa oras na sila'y saktan ng kanilang mga pinaglilingkuran at ang pagkakaroon ng tulong na legal tulad ng pagsasalin ng mga dokumento sa wikang Filipino sa oras na makarating ang usapin sa mga hukuman.

NANAWAGAN naman si Senador Loren Legarda sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaan, particular ang "Ifugao Cultural Heritage Office," upang mapangalagaan ang Ifugao Rice Terraces mula sa tuluyang pagkasira.

Si Legarda ang pinuno ng Senate Committee on Cultural Communities at nagparating ng Senate Resolution 440 na naglalayong magsiyasat sa mga nagaganap sa isa sa ipinagmamalaking "tourist spot" sa Cordillera Region.

Tinaguriang "Eight Wonder of the World" at kabilang na sa World Heritage List noon pang 1995 ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO.

Ayon kay Legarda, isinama na rin ang "Ifugao Rice Terraces" sa "1999 World Monument WatchList ng may isang daang "most endangered sites" at 2001 UNESCO List of World Heritage in Danger" dahilan sa patuloy na pagkasira.

Nabatid ng Philippine Rice Research Institute na ang mga uod na sumisira sa mga ugat ng palay kaya't unti-unting gumuguho ang "rice terraces." Ayon naman sa UNESCO, ang kawalan ng kaukulang "monitoring mechanism" at "management plan" ang dahilan ng kawalan ng "sustainable development" doon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>