Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-37 2011

(GMT+08:00) 2011-04-10 11:58:38       CRI

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okay lang ba kayo diyan? Kung okay kayo diyan, okay din kami dito; at kung wala kayo diyan, wala din kami dito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh.

Qing Ming Festival

Nitong nagdaang Martes, April 5, ipinagdiwang ng mga mamamayang Tsino ang kanilang Qing Ming Festival. Ang pista opisyal na ito ay katumbas ng ating Undas diyan sa Pinas. Tuwing sumasapit ang araw na ito, tulad din naman natin, nagpupunta rin ang mga Chinese sa kamposanto para mag-alay ng dasal para sa kanilang mga yumao, pero ang pagkakaiba lang, dahil sa kini-cremate ang mga labi ng mga patay dito, sa halip ng sa puntod, sa harap ng mga urno ng abo nila ginagawa ang kanilang pag-aalay. Ang mga urnong ito ay nakalagak sa isang gusali sa loob ng sementeryo. Bukod sa dasal, nag-aalay din sila ng mga prutas at nagsusunog ng pera-perahan at mga mahahalagang bagay na yari sa papel na tulad ng bahay at kotse. Sa pagkakaalam ko, iiwasan na nila ngayon ang pagsusunog ng mga bagay para maiwasan din ang carbon emissions at sa internet na lamang nila isasagawa ang kanilang pag-aalay.

Mga mamamayang Tsino habang patungo sa libingan ng kanilang mga yumao

Tinatanong ni Melissa ng Malabon kung anong karanasan ko sa Tsina ang hindi ko makakalimutan. Siguro iyong noong sumemplang ang bisikleta ko. Nagulungan ko kasi iyong parte ng kalsada na may tumigas na snow, kaya dumulas iyong mga gulong ng bisikleta at na-out of balance ako. Nang matumba ako, nabangga ko naman iyong babaeng nagbibisikleta sa kaliwa ko, kaya natumba rin siya at tumilapon sa daan iyong mga binili niyang isda. Katakut-takot na bulyaw ang inabot ko sa babae. Hiyang-hiya ako kasi pinanonood kami ng mga tao. Tumigil lamang siya ng kasisigaw nang tulungan ko siyang tumayo at pulutin ko isa-isa iyong mga isda niya at ibalik sa basket ng kanyang bisikleta. Ang totoo ay marami akong naranasang pangyayari sa pagbibisikleta ko noong araw, pero ito ang hindi ko malimut-limutan. Natatawa nga ako sa sarili ko pag naaalala ko, eh.

Bicycle riders ng Beijing

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Sabi ni Vita ng San Juan, Metro Manila: "Kuya Mhon, ipino-promote ko ang inyong serbisyo pag nagpupunta ako sa iba't ibang probinsiya. Salesrep ako ng mga beauty products. Sana mag-increase ang inyong following."

Sabi naman ni Brenda ng Shunyi, Beijing: "Hi, Kuya Mon! Ano na? Nami-miss ko na ang iyong Cooking Show. Kelan ba kami makakatikim uli ng mga putaheng Tsino?"

Sabi naman ni Grace ng Subic, Zambales: "Nag-iba na ang schedule ng iyong Gabi ng Musika pero hindi nagbabago ang radio dial ko. Nakaupo pa rin ako sa tabi ng radyo kung Linggo ng gabi.

Walang iwanan. Si loving DJ pa iiwanan ko?"

Salamat sa inyong mga SMS.

TO GUIDE YOU

(PANG LONG)

Narinig ninyo si Pang Long sa awiting "To Guide You," na lifted sa album na may pamagat na "Two Butterflies."

Ngayon, tunghayan naman natin ang ating movie report mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

V O I C E

Maraming salamat sa iyo, Super DJ.

WHERE COMES THE CAMEL TROUPE

(DAO LANG)

Iyan naman si Dao Lang sa kanyang awiting "Where Comes the Camel Troupe," na hango sa album na may pamagat na "The First Snow in 2002."

Sabi ni Zeny ng Lyceum Batangas: "Kuya Mhon, magandang Gabi ng Musika. Maraming lindol ngayon sa pali-paligid ng daigdig. Wala ba kayong nararamdaman diyan sa China?"

Sabi naman ni Ebeth ng Pandacan, Manila: "Gud am, Kuya Mhon. Kmzta ba buhay-buhay jan? Nakuha ko na Friday program niyo nina Kuya Rhio at Ms.Jade. I'll stick to it from now on."

Sabi naman ni Vilma ng Project 8, Quezon City: "Kmzta, Kuya Mhon? Sana totoo lagi mong sinasabi na okay ka lang diyan. Parang bago sa pandinig ko mga ibang programa niyo."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

FILL-IN

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig. God bless…

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>