Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga naninirahan sa "Volcano Island," ayaw lumikas; 77-anyos, magtatapos ngayon bilang isang enhinyero

(GMT+08:00) 2011-04-11 17:03:09       CRI

WALA pang isang daang katao na naninirahan sa paligid ng Bulkang Taal, isang tanyag na pasyalan ng mga turista, ang lawa ng Taal, ang sumunod sa kautusan ng mga autoridad na umalis dahilan sa napipintong panganib ng dulot ng bulkan.

May pitong libo katao, mga mangingisda at "tourist guides", ang naninirahan sa volcano island.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanoloy and Seismology, nag-uunti-unti nang tumaas ang temperatura sa lawa sa paligid ng bulking na may kumukulong putik mula sa pinakapuso ng bulkan.

Ipinagbabawal na rin ang pagdalaw ng mga banyaga't Pilipino sa tinaguriang "volcano island."

Ang buong isla na kinikilalang "permanent danger zone" ng mga autoridad. Ang Bulkang Taal ang isa sa 22 kilalang bukan sa bansa na may tatlumput dalawang aktibong bulkan. Ang pinaka-huling pagsabog nito ay naganap noong 1977.

ISANG katangi-tanging pangarap ng karamihan ng mga Pilipino ay ang makapag-tapos ng pag-aaral sa Kolehiyo. Sa panahong ito ng mga pagtatapos, kabilang sa mga tatanggap ng kani-kanilang sertipiko ay ang mga sumailalim sa palatuntunang pinangalanang "Expanded Tertiary Education Equivalency Accreditation Program" na nagbibigay pagkakataon sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahilan sa kanilang pagtatrabaho kaagad sa murang edad.

Sa Lungsod ng Lucena, sa Manuel S. Enverga University Foundation, kasama sa magtatapos sa Batch 2011 ang isang pitumpu't pitong taong gulang na si Emeterio Yambao Garrido, Jr., may-ari isang "engineering services company" sa Gitnang Luzon.

Sa panayam ng China Radio International, sinabi ni Ginoong Garrido na napakasaya niya sapagkat natupad na rin ang kanyang matagal nang pinangarap.

Magtatapos siya na'ng mayroong "degree" na B. S. Engineering. Bagama't nakapagtapos ang lima niyang supling tulad ng kanyang panganay na anak na isang Mechanical Engineer, ang pumangalawang anak nama'y nagpakadalubhasa sa Electronics, ang pangatlo nama'y nasa Estados Unidos at nagtatrabaho bilang Nurse, samantalang ang pang-apat na anak niya'y nakapagtapos ng Bachelor of Science in Foods and Nutrition at ang bunso'y isang dalubhasa sa Information Technology.

Kinailangang maglakbay ni Ginoong Garrido mula sa kanyang tahanan sa Angeles City patungong Lucena City ng halos dalawang ulit sa bawan buwan upang makadalo sa kanyang mga klase na kinatatampukan ng "General Education Courses" at ng kanyang "major subjects" sa larangan ng "engineering".

Paghahandaan naman ni Ginoong Garrido ang susunod na pagsubok: ang kanyang nalalapit na "professional exams" upang maging ganap at lisensiyadong enhinyero.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>