Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, malamang na makasama sa PPP ni Pangulong Aquino; Mga dating opisyal ng Pamahalaan, kinasuhan ng plunder

(GMT+08:00) 2011-04-15 17:14:32       CRI

POSITIBO ang balitang nagmula sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing tungkol sa "public-private partnership roadshow" na pinangunahan ni Finance Secretary Cesar Purisima dahilan sa sinasbaing positibong tugon at interes mula sa mga pinuno ng pamahalaan at kalakal. Ito ang balitang nagmula sa Department of Trade and Industry ng Pilipinas na may tanggapan sa Lungsod ng Makati.

Sinabi ni Chinese Vice Premier Wang Qishan sa kanyang pakikipagpulong kay Ginoong Purisima at mga kasamang economic managers na bukas ang Tsina sa PPP concept samantalang ang mga pinuno ng kalakal ay naniniwala sa kakayahan ng mga kumpanyang Tsinong lumahok sa mga proyekto sa Pilipinas.

Mahalaga umano ang pagtingin ng Pilipinas sa Tsina kung ang pag-uusapan ay ang relasyon sa larangan ng ekonomiya sapagkat inuna nila ang pagdalaw sa maunlad na bansa sa pag-anyaya sa mga lalahok sa "public bidding" para sa "public-private partnership."

MATAPOS ang matagal-tagal na paghihintay ng madla, lumabas na rin ang desisyon ng isang Special Panel na binubuo ng lima katao ay sinang-ayunan ni Over-All Deputy Ombudsman Orlando C. Casimiro, na kasuhan ng plunder sina dating Agriculture Secretary Luis Ramon P. Lorenzo, Undersecretary Jocelyn I. Bolante, Assistant Secretary Ibarra T. C. Polliquit, at anim na iba at ilang mga John ad Jane Does. Pinakakasuhan din ng Malversation of Public Funds at pagkakaroon ng "unliquidated amounts" ang siyam na iba pang mga director ng Department of Agriculture.

May kaso ring Technical Malversation ang labing isa katao na kinabibilangan ng tatlong mambabatas at ilan pang mga opisyal ng Department of Agriculture. Ang usapi'y may kinalaman sa kontrobersyal na paglalabas ng P 728 milyong na tinaguriang Fertilizer Scam sapagkat ginamit ang salapi sa pangangampanya umano ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004.

Walang karapatang magpiyansa ang mga naakusahan ng "plunder" ayon sa batas ng Pilipinas.

TUMANGGING lumahok sa usapin si Ombudsman Merceditas N. Gutierrez ayon sa isang Memorandum noong a-dose ng Abril. Lumabas ang kautusan ni Overall Deputy Ombudsman Orlando C. Casimiro ngayong hapon bagama't nilagdaan ang kautusan kahapon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>