|
||||||||
|
||
mga larawan galing sa Pantukan Police Station sa Compostela Valley
UMABOT sa halos dalawampu't-apat katao ang nagpapako sa krus noong nakalipas na Biyernes Santo sa kanilang personal na paniniwalang makatutulong ito sa pagbabawas ng kanilang mga kasalanan at magkatotoo ang kanilang mga kahilingan.
Libu-libo katao ang dumagsa sa Lungsod ng San Fernando sa Pampanga, may 50 milya sa hilaga ng Kamaynilaan upang saksihan ang madugong rituwal sa Barangay Cutud.
Mayroon ding mga nagpapapako sa krus dahilan sa kanilang kahiligan, tulad nang pagwawagi sa illegal na sugal ng jueteng, tulad ng binanggit ni Alex Laranang, isang maglalako ng pagkain na nagsasabing hindi siya nakakabasa't nakakasulat. Dalawang ulit na siyang nagwagi ng tatlong libong piso o pitumpung dolyar sa limang taong pagpapako sa krus.
Karaniwang nasaksihan sa iba't ibang bahagi ng bansa ang paghahampas ng mga nagpepenitensya na karaniwang nagtatapos sa paliligo sa ilog o sa karagatan sa paniniwalang walang anumang sakuna ang magaganap sa kanila.
Hindi sumasang-ayon ang Simbahang Katoliko sa ganitong gawi ng ilang mga Pilipino.
SAMANTALA, pinagtatangkaang ilipat ng mga opisyal ng Pantukan, Compostela Valley ang may 30 hanggang 40 mga pamilya patungo sa Panganason Elementary School dahilan sa posibilidad ng panibagong pagguho ng lupa.
Sa panayam ng CBCPNews, sinabi ni Sr. Supt. Aaron Aquino na may bitak pa ng lupang nakita sa itaas na bahagi ng bundok na gumuho kaya't may nakaambang panganib.
Pito na ang nabalitang nasawi bagama't lilima pa lamang ang nakikilala ng mga autoridad. Labing tatlo katao ang nailigtas samantalang nawawala pa ang labing-pitong iba pang mga minero.
Bagama't bawal sa Pilipinas ang pag-empleo ng mga menor de edad, dalawa sa mga nasawi ang may edad na labing-lima (15) at labing-anim (16) na taong gulang.
Ayon kay Ginoong Aquino, bagama't bawal ito sa batas, karaniwang tumutulong na ang mga kabataan sa kanilang mga magulang, tulad ng naganap sa bayan ng Pantukan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |