![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
April 24, 2011 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika at iba pa…
Happy Easter at kumusta sa inyong lahat! Okay lang ba kayo diyan? Kung okay kayo diyan, okay din kami rito; at kung wala kayo diyan, wala rin kami rito. Kayo ang lifeblood ng CRI at Serbisyo Filipino. Iyon yun, eh!
Paano niyo ginugol ang inyong Holy Week? Huwag niyong sabihing nagpunta kayo sa beach? Nag-hunting? Nag-excursion? O nag-goodtime? Minsan lang ito sa isang taon kaya dapat samantalahin natin ang pagkakataong ito para magdasal, mag-ayuno, mag-meditate at mag-reflect sa passion ni Christ. Ito ay magandang pagkakataon dahil tigil ang lahat ng mga regular na aktibidad at wala iyong masasayang programa sa radyo at telebisyon, kaya medyo tahimik ang kapaligiran.
Nasaan ang Easter Eggs?
Dito sa Beijing, ang atmosphere ay hindi tulad ng sa atin diyan dahil hindi holiday sa kanila ang Huwebes Santo at Biyernes Santo. Pero, may aktibidad din sa mga Simbahang Katoliko, at noon ngang Palm Sunday, nakinig kami sa Misa at ngayong araw naman ay may special Easter Mass. Ang Misa nila dito ay katulad na katulad ng Misa natin diyan, at sa Ingles, kaya madaling sundan. Mayroon ding stations of the cross, washing of the feet at iba pang activities. Hindi ko lang alam kung meron silang prusisyon o tinatawag na salubong. Anyway, I hope you had a meaningful Lenten Season.
Paper-cuts ng Tsina
Sabi ni Evelyn Ramos ng New Territories, Hong Kong, tuwang-tuwa daw siya sa mga ipinadadala ko sa kanilang paper-cuts. Unique na unique daw ang ganitong work of art at naiintriga siya sa paraan ng paggawa nito. Umaasa daw siya na makakatanggap siya ng mga iba pang design para raw makumpleto ang koleksiyon niya nito at ng iba pang souvenir items mula sa Filipino Service.
Nagtatanong si Jennylyn ng Marinduque kung meron daw bar street sa Beijing na tulad ng Mabini at M. H. del Pilar.
Sanlitun Street sa Beijing
Sanlitun Street, gabi
Meron naman. Iyong isa ay tinatawag na Sanlitun at iyong isa Hao Hai. Ganun na ganun din ang dating, parang Mabini at M. H. del Pilar din—maliwanag sa gabi, maraming tao at maingay. Marami tayong kababayan na nagpe-perform dito sa mga lugar na ito, lalo na sa Sanlitun.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Sabi ni Masami Shigematsu ng Lanzones, Kahilom, Pandacan: "Iyan ka, loving DJ, loving touch, loving voice, loving words. Hope you are always far from danger and all forms of ailments."
Sabi naman ni Flor ng Roces Avenue, Quezon City: "Kuya Mhon, iyong mga payo mo sa amin sayong programa kung Sunday nagbibigay ng bagong pag-asa. Salamat sa Gabi ng Musika. May the peace of the Lord be with you all through the week."
Sabi naman ni Cooky ng New Territories, Hong Kong: "Sana ituloy pa rin ninyo pagluluto, Kuya RJ. Hinahanap-hanap namin ito, hehehe. God bless on Lenten Season, Kuya RJ."
THE NIGHT ON THE GRASSLAND
(DAO LANG)
Narinig ninyo ang magandang tinig ni Dao Lang sa awiting "The Night on the Grassland," na lifted sa album na may pamagat na "The First Snow in 2002."
Ooops, ready na raw ang ating "Balitang Artista." Super DJ Happy, pasok!
V O I C E
Thank you so much, super DJ!
MEETING YOU
(PANG LONG)
Iyan naman si Pang Long sa kanyang awiting "Meeting You," na buhat sa album na may pamagat na "Two Butterflies."
Mga SMS pa.
Sabi ni Poska ng poskadot610@hotmail.com: "Let's spend some hours of the day reflecting on the passion of Christ. This is the best way to celebrate Lent."
Sabi naman ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran Singapore: "Nawawala sa porma mga programming niyo, pre! Baka gusto mong ayusin! Prepreho ang style, eh!"
Sabi naman ni Carol ng carolnene.edwards@gmail.com: "My prayers and Christian greetings for the Holy Week. May you receive God's blessings always."
FILL - IN
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang Easter Sunday edition ng ating Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig. God bless!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |