Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Figaro coffee company, lalahok sa China Franchise Expo; mga magdaragat, pinalaya na ng mga pirata sa Somalia

(GMT+08:00) 2011-04-26 18:06:58       CRI

ANG FIGARO COFFEE COMPANY, naitatag noong 1993 dito sa Pilipinas ay lalahok sa nalalapit na China Franchise Expo 2011 mula sa Sabado, Mayo a-siyete hanggang Lunes, Mayo a-nuwebe sa China National Convention Center sa Beijing.

Pinamumunuan ni Mike T. Barret, ang Figaro Coffee Company franchise manager, ang walo-kataong delegasyon. Ang kumpanya, sa nakalipas na 17 taon sa industriya ng kape ay mayroon ng mga animnapung kapihan sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Nagbukas na sila ng unang kapihan sa lalawigan ng Wuhan noong buwan ng Enero taong ito at magbubukas ng apat pang mga kapihan sa lalawigan ng Hubei, China.

Magtatayo din ang Figaro Coffee Company ng mga kapihan sa Saudi Arabia at Papua New Guinea ngayong taon samantalang may mga pag-uusap na sa pagitan ng kumpanya at mga mangangalakal mula Singapore at United Arab Emirates.

ANG barkong sinasakyan ng dalawampu't apat na mgdaragat na Pilipino ay pinalaya na ng mga pirata sa Somalia noong nakalipas na Sabado.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang MV Renuar, ang barkong rehistrado sa Panama at pag-aari ng kumpanyang may tanggapan sa Liberia, ay biminbin ng mga pirata noong a-onse ng Disyembre sa Indian Ocean samantalang naglalayag may isang libo't limampung nautical miles sa silangan ng Somalia o limang-daa't limampung nautical miles sa kanluran ng India.

Patungo sana ang barko sa United Arab Emirates mula sa Mauritius ng pasukin ng mga pirata.

Mayroon pang 79 na magdaragat na Pinoy, sakay ng siyam na barko, ang napipiit ng mga pirata sa Somalia. Inaabangan na lamang ang pagbabalik sa bansa ng mga tripulanteng Pinoy.

Aabot sa 300,000 magdaragat na Pinoy ang kawani ng iba't ibang shipping companies sa buong daigdig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>