Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-uwi ng mga OFW, makakatulong sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2011-04-27 17:39:47       CRI

NANINIWALA ang isang mambabatas na makatutulong din sa bansa ang pag-uwi ng mga manggagawang Pilipino mula sa ibang bansa at marapat lamang suportahan ang palatuntunan ng Department of Labor and Employment upang makahinga ng maluwag ang naghihingalong "Science and Technology sector" sa bansa.

Ayon kay Senador Edgardo J. Angara, suportado niya ang "brain gain project" sapagkat sa dami na lamang ng mga banyagang kumpanyang naghahanap ng mga mangagawang Pinoy ay pagpapakita na ng masamang epekto sa Pilipinas sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga dalubhasa sa larangan ng agham at teknolohiya.

Si Ginoong Angara na naging pangulo ng Pamantasan ng Pilipinas at pinuno ng Senate Committee on Higher Education ay nagsabing hindi masisisi ang mga Pinoy na manggagamot, enhinyero at mga siyentipiko na mabighani patungo sa ibang bansa dahilan sa sahod na iniaalok.

Subalit sa pamamagitan ng palatuntunang pinangalanang "Balik-Trabaho sa Pinas," matatanggap ang mga umuuwing OFW at mabibigyan ng maayos na hanapbuhay mismo sa Pilipinas.

Kung matatapatan lamang ng Pilipinas ang alok na sahod ng ibang bansa, marahil ay hindi na iiwanan pa ng mga dalubhasang Pilipino ang kanilang pamilya. Nadagdagan umano ng 148% ang bilang ng mga dalubhasang manggagawa sa agham at teknolohiya na umalis ng bansa sa nakalipas na sampung taon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>