Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Exports ng Pilipinas, lumago:Kalakal sa Tsina, tumaas ng halos 50%

(GMT+08:00) 2011-05-03 18:17:37       CRI
LUMAGO ANG "exports" ng Pilipinas ng may 8.2 porsiyento at umabot sa $ 3.86 bilyon sa buwan ng Pebrero dahilan sa malakas na pamimili ng mga suki ng bansa. Kung ihahambing ito sa nakalipas na taon, maaaring matamo pa rin ang target na sampung porsiyentong umento.

Kinakitaan ang malaking pag-angat ang exports sa Tsina na umabot sa 46.5 % sa buwan ng Pebrero. Tumaas din ang exports ng Pilipinas sa America ng 2.2 percent at Japan na nagkaroon ng 6.2 percent increase.

Lumago rin ang kalakal ng Pilipinas sa Silangang Asya ng may 15.8 % at sa ASEAN ng may 20.5 %.

Ayon sa Ministri ng Kalakal ng Tsina, nagkaroon ng industrial output sa China at lumaki ng 14% sa unang dalawang buwan ng taong 2011 samantalang ang "retail sales" ay tumaas ng 15.8% sa unang dalawang buwan.

Ayon kay International Trade Undersecretary Adrian S. Cristobal, ang export growth trends ay nagpapakita lamang ng pagbabago sa pandaigdigang supply chain at isang malaking hamon sa mga Pilipino na ayusin ang mga estratehiya upang makatugon sa mga nagaganap.

Tumaas din ang kalakal sa Japan sa karamihan ng household appliances tulad ng flat panel television. Bago sumapit ang trahedya noong a-onse ng Marso, kinakitaan ang Japan ng paglago sa housing at capital investments. Subalit dahilan sa matinding dagok ng lindol at tsunami, maaaring biglang bumaba ang kalakal at ekonomiya dala ng kakulangan ng kuryente sa hilagang bahagi ng Japan.

Umabot ang halaga ng mga produktong naipagbili ng Pilipinas sa Tsina sa halagang $ 433.8 m mula sa $ 296 m noong nakalipas na taon. Ang kalakal sa Amerika ay lumago rin mula $ 606 noong 2010 at umabot sa $ 616 m nitong nakalipas na Pebrero.

Ang iba pang nangungunang pamilihan ng mga produktong Pinoy ay ang Singapore na nagkaroon ng $ 375.71 m, Hong Kong $ 282.06 m, Thailand $ 188.46 m, Taiwan $ 157.25 m, Korea $ 149,94 m, Germany $ 149.83 m at The Netherlands $ 144.58 m.

SAMANTALA, magpapatuloy ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas na palawakin ang kanilang pangangalap ng intelligence reports at pakikipagtulungan sa iba pang mga bansa sa Asia at sa mga Americano upang maiwasan ang mga pananalakay ng mga terorista at mapigilan ang ibang grupo sa paghahasik ng lagim. Ito ang pahayag ni Sr. Supt, Argimero Cruz, taga-pagsalita ng Philippine National Police bilang reaksyon sa pagkakapaslang kay Osama bin Laden kahapon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>