Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagyong "Bebeng" palabas na ng pilipinas

(GMT+08:00) 2011-05-09 19:36:45       CRI

MATAPOS manalasa sa mga palayan sa Kabikolan, papalabas na ang bagyong "Bebeng" sa mga susunod na araw. Makararating na ito sa Aparri, Cagayan bukas.

Ayon sa PAGASA, kahit pa palayo na ang bagyo sa Pilipinas ay magudulot pa rin ito ng pag-ulan sa Luzon.

Magugunitang isang "low pressure area" lamang si Bebeng subalit patuloy na lumakas hanggang sa maging isang "tropical storm" noong Sabado ng umaga.

Binalaan ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga naninirahan sa malalapit sa mga ilog na lumikas muna tungo sa ligtas na lugar sapagkat manganganib sila sa oras na biglang tumaas ang tubig.

Si "Bebeng" na ang international code name ay "Aere" ang naging dahilan na pagkasawi ng labing-isa katao mula ng tumama ito sa Catanduanes kahapon na may hanging walumpu't limang kilometro bawat oras at pagbugsong umabot ng isang daang kilometro bawat oras.

Naging dahilan ito ng pagguho ng lupa sa mga matatarik na lugar samantalang dito sa Maynila ay naging dahilan ng mga pagbaha. Hanggang ngayong hapon ay mabagal ang mga sasakyan sa Roxas Blvd. sapagkat bumaha ng tubig-dagat na tumatama sa dalampasigan. Sa lakas ng alon ay umagos ang tubig-dagat patungo sa magkabilang bahagi ng Roxas Boulevard.

Tatlo katao ang nasawi sa Camarines Sur matapos matabunan ng lupa ang kanilang tahanan. Anim ang nalunod sa iba't lalawigan ng Albay Catanduanes, Leyte at Northern Samar. Ayon sa himpilan ng radyong DWBW sa Legazpi, kabilang sa mga nasawi ang isang lalaking nagtangkang tumawid sa isang binabahang ilog upang mapanood sa telebisyon ang labas ni Manny Pacquaio. May mga nawawala pang mga mangingisda.

May limampung domestic at international flights ang nakansela o nabago ang lalapagan dahilan sa sama ng panahon.

Nawalan ng kuryente sa Camarines Sur samantalang patay-sindi ang mga ilaw sa Albay at Catanduanes kahapon.

Handa ang pamahalaan ang Simbahang Katolika sa Pilipinas na tumulong.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>