Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkamatay ni Bin Laden, nangangahulugan ng pinaigting na military-police coordination

(GMT+08:00) 2011-05-11 21:45:46       CRI

MATAPOS mapaslang si Osama bin Laden kamakailan, pinag-ibayo ng pulisya at militar sa Pilipinas ang pagtutulungan sa pamamagitan ng mga pagpapatrolya at pangangalap ng kaukulang intelligence reports sa maaaring maging epekto nito sa bansa.

Ayon kay Col. Arnulfo Marcelo Burgos, Jr. pinuno ng Public Affairs Office ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, may koneksyon ang mga Abu Sayyaf sa Mindanao sa Jemaa Islamiya na may kuta sa Indonesia. Ang grupong Jemaa Islamiya ang sinasabing may koneksyon sa grupong Al Qaeda ni bin Laden.

Bagama't nasa "white alert" pa rin ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, mas maraming mga kawal ang nagmamatyag at nagpapatrolya sa iba't ibang bahagi ng bansa. Tumanggi si Colonel Burgos na tukuyin ang mga binabantayang lugar subalit sinabi niyang walang dapat ipangamba ang mga karaniwang mamamayan.

Tatlong sinasabing pinuno ng Abu Sayyaf ang nadakip sa hiwa-hiwalay na insidente sa Metro Manila at sa Mindanao sa nakalipas na ilang araw. Ani Burgos, ito ang epekto ng ibayong pagtutulungan ng mga militar at pulis sa bansa.

SAMANTALA, inilunsad kahapon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang isang mas malakas na "task force" na magtatangkang pumigil sa mga kidnap-for-ransom groups sa Mindanao.

Magsasama-sama ang mga militar at pulis sa kanilang mga operasyon sa Gitnang Mindanao at magpapalitan ng mga impormasyon laban sa mga kidnap-for-ransom groups.

Si Police Chief Supt. Benjardi Mantel eng PNP Region XII ang siyang mamumuno sa Joint Task Force na makikipagtulungan sa Crisis Management Committee sa ilalim ng mga pamahalaang lokal.

Ang paglulunsad ng Joint Task Force ay sinaksihan nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at Interior and Local Government Undersecretary Rico Puno. Lumagda rin sa kasunduan sina AFP Chief of Staff General Eduardo S. Oban at PNP Chief Director General Raul M. Bacalzo.

SA SENADO, nababahala naman si Senator Francis Escudero sa mga pagkakamali sa dalwang bersyonn ng panukalang batas na naglalayong huwag munang ituloy ang napipintong halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na ngayo'y nasa Senado at sa Mababang Kapulungan tungkol sa terms of office ng mga nahalal na opisyal.

Ayon kay Escudero na Chairman ng Senate Justice Committee, ang House Billl No. 4146 at Senate Bill 2756 na naglalayong pagsabayin na lamang ang ARMM elections at ang midterm elections sa 2013 ay may pagkakamali sapagkat may binabanggit na bagong term of office ang mga halal na opisyal.

Sa ilalim ng dalawang panukala, ang term of office ng Regional Governor, Regional Vice Governor at mga kasama sa Regional Legislative Assembly at tatagal ng tatlong taon at magsisimula sa katanghalian ng ikatatlumpung araw ng Setyembre kasunod na halalan at magtatapos sa pareho ding araw matapos ang tatlong taon.

Si Escudero ay isa sa mga kontra sa postponement ng halalan. Ayon sa mambabatas, ang Section 2 ng parehong panukalang batas ay hindi magkatugma sa dahilan kung bakit hinihiling na huwag na munang ituloy ang halalan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>