|
||||||||
|
||
SA Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay, isang kasunduan ang nilagdaan ni Acting Secretary Danilo P. Cruz sa mga Kagawaran ng Pagawaing Bayan, Pamahalaang Lokal, Kalakal at Professional Regulation Commission upang maisulong ang kaligtasan ng mga manggagawa sa sektor ng construction at maiwasan ang mga sakuna, partikular ang ikinasasawi at ikinababalda ng mga manggagawa mula sa matataas na mga gusali.
Ayon kay Ginoong Cruz, ang mga nakalipas na sakuna ang naging dahilan upang pag-ibayuhin ng mga taga Kagawaran ng Paggawa ang pagtutulungan ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan matiyak lamang ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa.
Kabilang sa mga lumagda sa kasunduan ay sina Kalihim Rogelio L. Singson ng DPWH, Jesse M. Robredo ng DILG, Gregory L. Domingo ng DTI, DOLE Secretary Rosalinda Baldoz at PRC Chairperson Teresita R. Manzala.
Nag-ugat ang kasunduan sa Department Order No. 13 ng DOLE na naglalahad ng mga alituntunin tungkol sa Occupational Safety and Health sa sektor ng konstruksyon at maipatupad ang mga nilalaman nito sa iba't ibang construction sites.
Nararapat umanong sumunod ang mga kumpanya sa Occupational Safety and Health standards upang maiwasan ang mga peligro, sakuna, pagkakasugat at pagkasawi ng mga manggagawa.
SAMANTALA, ipinatawag ng Senate Blue Ribbon Committee si General Eduardo S. Oban ng Armed Forces of the Philippines upang pakinggan kung ano ang ginagawa ng kanyang liderato upang maiwasan ang mga katiwalian.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni General Oban na kanilang isinaayos ang mga sistema at nagpatupad ng bagong kalakaran na ang layuni'y maiwasan ang katiwalian. Kanila umanong nabatid ang ugat nito at mga dahilan kaya't nagaganap ang sinasabing mga katiwalian,
Ipinangako ni General Oban na pagsisikapan nilang makabuo ng kulturang tatanggi sa corruption at magpapahalaga sa kahulugan ng transparency at accountability. Magkakaroon din ng pinag-ibayong pagpapatupad ng disiplina at karangalan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |