Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Manobo, umaasang darating din ang kaunlaran

(GMT+08:00) 2011-05-13 19:44:46       CRI

UMAASA ang mga katutubong kabilang sa mga Manobo na darating din ang kaunlaran sa oras na mapakinabangan ang mga benepisyong napapaloob sa Certificate of Ancestral Domain title na nagbabalik sa lupang pag-aari ng pamahalaan sa mga katutubo.

Dumalaw ako sa Butuan City sa Katimugang Pilipinas at nakapanayam ang mga pinuno ng dalawang tribo mula sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur. Ayon kay Datu Samuel Behig, umaasa silang makararating din ang mas magandang buhay sa oras na maitayo ang farm-to-market road na may habang tatlumpung kilometro mula sa kanilang tahanan patungo sa bayan.

Sinisingil sila ng tatlo hanggang limang piso bawat kilo ng mais samantalang binibili lamang ang kanilang produkto sa halagang labinglimang piso bawat kilo kaya't halos walang kinikita ang mga katutubo.

Marami sa mga katutubong kasama ni Datu Samuel ang nangingibang-bayan makapaghanapbuhay lamang. Si Datu Samuel ang kauna-unahang tagaroon na naging seaman at nakapaglayag sa loob ng apat na taon.

Ayon Kay Datu Reynaldo Guinsod, mahirap pa rin ang kanyang tribo sapagkat sinauna pa rin ang pamamaraan ng kanilang pagsasaka. Wala pang gumagamit ng mga pataba sa mga Manobo sapagkat hindi pa nararating ng mga alagad ng pamahalaan.

Ayon Kay Datu Samuel, umaasa silang darating ang mga negosyante tulad ng mga minero, at makikipag-usap sa kanila upang may makuhang mga manggagawa sa kanila at ng huwag nang magtungo pa sa bang lugar upang mamasukan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>