Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga manggagawang Pinoy, makapaghahanapbuhay pa sa labas ng bansa/Pahayag ng Tagapagsalita ng Pangulo sa pagdalaw sa barkong pandigma ng America

(GMT+08:00) 2011-05-16 17:31:13       CRI

NANINIWALA si Pangalawang Pangulo Jejomar C. Binay na naglilingkod rin bilang Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers na panandalian lamang ang pagbaba ng bilang ng mga manggagawa sa ibang bansa.

Nagpahayag si Ginoong Binay na pag-asang sisiglang muli ang pag-anib ng mga manggagawang Pinoy patungo sa ibang bansa kahit pa inaasahang bababa ng tatlong porsiyento ang bilang ng mga mangagawa sa Gitnang Silangan at Hilagang Africa dahil sa nananatiling tensiyon sa mga bansa doon.

Naniniwala si Pangalawang Pangulong Binay na patapos na ang kaguluhan sa Gitnang Silangan at sa Hilagang Africa kaya't hindi na magtatagal at babalik na rin ang sigla ng overseas job market.

Ibinalita ng Philippine Overseas Employment Administration na nabawasan ang bilang ng mga manggagawang umaalis ng Pilipinas sa unang tatlong buwan ng taong ito. Umabot na lamang sa 380,188 ang nakalabas ng bansa mula sa 395,189 noong nakalipas na unang tatlong buwan ng taong 2010.

Ayon sa POEA, ang mg akaguluhan sa Libya, Syria, Yemen, Egypt, Lebanon at Bahrain ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga manggagawang umaalis ng bansa. Suspendido rin ang pagpapadala ng mga manggagawa sa mga bansang nabanggit dahilan sa nakakabahalang situasyon doon.

Ang mga nawalan ng hanapbuhay sa Hilangang Africa at Gitnang Silangan ay naipadadala sa iba't ibang bansang may pangangailangan sa pagkadalubhasa ng mga Pinoy, sabi pa ni Ginoong Binay.

Ang Qatar ay mangangailangan ng libu-libong mga manggagawa bilang paghahanda sa darating na 2022 World Cup. Ayon pa kay Ginoong Binay, isang magandang pagkakataon ito para sa mga manggagawang Pinoy.

Nabanggit umano ng Minister for Social Affairs at Acting Labor Minister Nasser bin Abdulla Al Hamaidi na nais niyang makakita ng mas maraming mga Pilipinong manggagawa sa kanyang bansa.

Kinikilala ang mga manggagawang Pinoy bilang masisipag, disiplinado, magagaling at mga propesyunal sa kanilang paghahanapbuhay. Idinagdag pa ni Ginoong Binay na iginagalang ang mga manggagwang Pinoy kaya't sila'y magagaling na ambassadors of goodwill.

SAMANTALA, ipinaliwanag ng Tanggapan ng Tagapagsalita ng Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III na dumalaw ang pangulo ng bansa sa USS Carl Vinson aircraft carrier sa paanyaya ni US Ambassador to the Philippines Harry Thomas. Ang barkong pandigma ay nasa kanlurang bahagi pa ng Luzon samantalang papasok sa Manila Bay.

Ayon sa mga naunang balita, ang USS Carl Vinson ang barkong pinagdalhan ng labi ni Osama bin Laden matapos mapaslang sa Pakistan noong Mayo a-dos. Ang mga tauhan ng barkong ito ang sinasabing "naglibing" ng labi ni bin Laden sa karagatan.

Ginamit umano ng Pangulong Aquino ang pagkakataon upang makadaupang-palad ang mga US Navy personnel na kinabibilangan ng mga Filipino-Americans.

Ayon kay Pangulong Aquino, ang pagdalaw na ito ay nagpapakita lamang ng mabisang defense relationship sa pag-itan ng Estados Unidos at ng Pilipinas.

Nakasama ni Pangulong Aquino sa pagdalaw sa barkong pandigma sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Finance Secretary Cesar Purisima, Communications Secretary Ricky Carandang at Ambassador Thomas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>