Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ekonomiya ng Pilipinas, lumago; Health services, pag-iibayuhin

(GMT+08:00) 2011-05-17 21:21:08       CRI

NAGKAMALI raw ang unang pagtataya ng inilago ng ekonomiya ng Pilipinas noong nakalipas na taon. Ayon kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, ibinalita ni Finance Secretary Cesar Purisima na naituwid na ang pagtataya ng kaunlaran sa ekonomiya mula sa 7.3% ay naging 7.6% increase in Gross Domestic Product.

Ito ang naging bahagi ng talumpati ni Pangulong Aquino sa pagpapasinaya ng bagong dalawang palapag na pagamutan sa Sta. Ana district sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa limampu't isang taong gulang na pangulo, doble-kayod ang kanyang liderato sa pagtugon sa mga suliraning may kinalaman sa kalusugan. Nais daw niyang matiyak na makararating ang mga karaniwang mamamayan sa mga pagamutan at mayroong sapat na mga tauhang tutugon sa mga pangangailangan ng mga may karamdaman.

Naglaan na umano ng tatlo't kalahating bilyong piso (P3.5 b) ang kanyang pamahalaan upang bayaran ang health insurance na ibinibigay ng PhilHealth ng mahihirap na kabilang sa National Household Targeting System ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Ang lahat ng ito'y bilang tugon sa Millenium Development Goals.

Partikular na binanggit ni Pangulong PNoy ang programa para sa narses sa ilalim ng Registered Nurses for Health Enhancement and Local Service p RN Heals program na katatampukan ng may sampung libong nurses na ipadadala sa iba't ibang malalayong pook sa bansa.

May programa na ring Doctors to the Barrios na nagtatalaga ng mga manggagamot sa mahihirap na pook. Ngayong tag-init na ito, higit sa 500 doktor na ang naipadala sa mga liblib na pook sa bansa.

Karaniwang kulang ang mga manggagamot at mga kailangang gamot sa malalayong pook sa Pilipinas. Sinabi ni Pangulong Aquino na sa ilalim ng kanyang liderato, tiyak na mababawasan ang mga katiwalian at makakarating ang basic services sa madla, partikular sa mga mahihirap.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>