Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paghahanda ng Pilipinas sa mga trahedya, ipinaliwanag; panukalang-batas tungkol sa Involuntary Disappearances, ikinasa

(GMT+08:00) 2011-05-18 18:44:25       CRI

BILANG isa sa mga lumagda sa Hyogo Framework for Action, ang Pilipinas ay nangakong pag-iibayuhin ang mga palatuntunan upang maiwasan ang peligrong mula sa mga kalamidad.

Ayon kay Social Welfare and Development Secretary Corazon Juliano-Soliman, sa kanyang talumpati sa Third Session of the Global Platform for Disaster Risk Reduction sa Switzerland, patuloy na pinagtutuunan ng pansin ang mga mamamayan, mga pamilya, mga komunidad at mga institusyong tutugon sa anumang pangyayari.

Magugunitang ang Hyogo Framework for Action ay ang pandaigdigang palatuntunan para sa mga trahedya na naglalayong mabawasan ang mga mabibiktima sa pamamagitan ng mga pamahalaang lokal, mga simbahan at mga samahan na magtutulungan sa oras ng pangangailangan.

Ani Ginang Soliman, ginagastusan na ng pamahalaan ang mga programa hinggil sa impormasyon at gumagawa na rin ng education-information-communication programs upang mabatid ng madla kung ano ang marapat gawin sa oras ng mga kalamidad.

Kailangan na umanong gastusan ang mga palatuntunang ito upang mamulat ang mga mamayan sa mga kinahaharap na problema tulad ng malalakas na bagyo at matitinding lindol at pagputok ng bulkan.

SA SENADO, isang panukalang batas ang iniakda ni Senador Francis Guevarra Escudero na naglalayong parusahan ang sinumang malalamang may kinalaman sa pagkawala ng tao. Ang parusang igagawad ay pagkakabilanggo ng habang-buhay.

Ang Committee Report No. 36, na may pamagat na Enforced or Involuntary Disappearance Act, ay pag-uusapan na sa plenaryo ng Senado sa mga susunod na araw.

May kaukulang definition ang involuntary disappearance sa ilalim ng International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance tulad ng pagdakip, pagbimbin, pagdukot at alinmang paraan ng pagbabawas ng mga karapatan ng sinumang dinakip ng mga alagad ng bansa o ng mga taong may basbas, suporta at pagsang-ayon mula sa pamahalaan.

Kabilang sa parurusahan ay ang mga taong tumatangging may kinalaman sa pagbabawas ng kalayaan o paglilihim sa tunay na kalagayan ng taong nawawala. Makakasabay ng panukalang batas na ito ang Anti-Torture Law na sasagka o hahadlang sa anumang pag-abuso ng pamahalaan.

Sa oras na mapatunayang nagkasala ang sinuman nang may kinalaman sa involuntary disappearance, maparurusahan siya ng pagkakabilanggong mula dalawampung taon at isang araw hanggang apatnapung taon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>