Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministro ng Tanggulang Pambansa ng Tsina, dadalaw sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2011-05-19 17:43:03       CRI

BILANG tugon sa paanyaya ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, Kalihim ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas, dadalaw si General Liang Guanglie, State Councilor at Minister of National Defense ng People's Republic of China. Ang heneral mula sa Tsina ay mamumuno sa isang delegasyon para sa isang official goodwill visit sa Pilipinas mula sa Sabado, Mayo 21, hanggang Miyerkoles, Mayo 25.

Samantalang nasa Pilipinas, dadalaw si General Liang kay Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III at makikipag-usap kay Kalihim Gazmin.

Sa pagdalaw na ito, natitiyak na higit na maisusulong ang magandang relasyon ng China at Pilipinas, lalo na sa larangan ng pagpapalitan ng mga dalubhasa sa larangan ng sandatahang lakas at pagtutulungan at mapagyayaman ang kasalukuyang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang Pilipinas ang ikatlong bansang dadalawin ni General Liang sa Timog Silangang Asya na nagsimula noong Linggo, Mayo 15 sa Singapore bilang panauhin ni Singaporean Deputy Prime Minister and Minister of Defense Teo Chee Hean at sa Indonesia na naging panauhin naman ni Minister of Defense Purnomo Yusgiantoro.

SERYOSO si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagkakaroon ng transparency, accountability at participative government.

Ito ang buod ng pahayag ni Budget and Management Secretary Florencio Abad ngayong araw na ito. Si Pangulong Aquino mismo ang mamumuno sa Cabinet Cluster on Good Governance and Anti-Corruption.

Ayon kay Ginoong Abad, tinitiyak ni Pangulong Aquino na matutupad ang kanyang salawikaing "Kung walang corrupt, walang mahirap" upang matamo ang kaunlaran. Idinagdag pa ni Ginoong Abad na nangangahulugan ito na pamumunuan niya ang paglaban sa katiwalian.

Ipinalabas ni Pangulong Aquino ang Executive Order No. 43 na bumubuo ng Cabinet sa limang lupon ayon sa limang key result areas ng Aquino Social Contract na ang una ay Good Governance and Anti-Corruption Cluster. Titiyakin umano na magkakaroon ng transparency, accountability, participatory governance at pagpapalakas ng public institutions at magpapalakas sa public sector asset at resource management at revenue performance.

Magkakaroon din ng mas mataas na uri ng mga alituntunin na makakabawas sa halaga ng pagkakalakal at makakahabol sa mga kalapit bansa.

Kasama sa komite sina Kalihim Abad, Finance Secretary Cesar Purisima, Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo, Justice Secretary Leila De Lima, Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, Presidential Legislative LiaIson Head Antonino Roman at Chief Presidential Legal Counsel Eduardo De Mesa.

SA MABABANG KAPULUNGAN, sinalungat ng ilang mambabatas ang panukala ng ibang mga paaralang magtaas ng matrikula mula sa pasukan sa buwan ng Hunyo sapagkat ito'y makakadagdag sa pasanin ng mga mag-aaral na mula sa mahihirap na pamilya.

Nanawagan sina Congresista Rafael Mariano ng Anakpawis at Raymond Palatino ng Kabataan party list sa Malacanang na huwag payagan ang dagdag na tuition fees sapagkat patuloy itong magpapahirap sa mga walang kakayahang mga pamilya na nagpapasan na ng masamang epekto ng krisis sa ekonomiya.

Hindi na umano sumasapat ang kanilang kinikita sa pangaraw-araw na mga pangangailangan. Hindi umano makakapag-aral sa kolehiyo ang mga nagtapos ng high school kung papayagan ng Commission on Higher Education ang dagdag na tuition fees. Madaragdadan pa ang college dropouts sa oras na magtaas ng matrikula ang mga kolehiyo.

Marapat lamang umanong magpatawag CHED ng public hearing tungkol sa panukala at anyayahan ang lahat ng apektado sa balak na ito. Marapat lamang umanong parusahan ang mga paaralang mapapatunayang sobra-sobra ang itinaas sa kanilang mga matrikula, dagdag pa ng dalawang mambabatas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>