Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pahayag ni Ministro Liang, pinuri ni Senador Legarda; Mangangalakal na Tsinoy, napalaya na mula sa kamay ng kidnappers

(GMT+08:00) 2011-05-24 17:58:27       CRI
KAPURI-PURI ang naging pahayag ni Defence Minister Liang Guanglie na tanging ang mapayapang pag-uusap ang lulutas sa mga isyung bumabalot sa South China Sea.

Ito ang pahayag ni Senador Loren Legarda, chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations.

Ayon sa mambabatas, ang positibong pahayag na ito ay mahalaga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon at nagpapakita ng kagandang-loob at pagsang-ayon sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea na nilagdaan ng Pilipinas kasama ang Tsina at mga kasaping bansa sa Association of Southeast Asian Nations noong 2002.

Idinagdag pa ni Senador Legarda na sa pamamagitan ng Declaration of Conduct, ang magkakabilang-panig ay makalulutas ng kani-kanilang mga hindi pagkakaunawaan sa mapayapang paraan at hindi na mangangailangan pang gumamit ng dahas. Ang mga konsultasyon at negosasyon ng mga lumagda sa Declaration of Conduct ay tumatalima sa mga sandigan ng pandaigdigang batas na kinabibilangan na ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea.

Makabubuti sa mas nakararaming mga mamamayan na magkaisa ang buong rehiyon sa paghahanap ng mga paraan upang higit na magtiwala sa bawat isa at higit na mapalalim ang paggalang sa bawat isa. Ang pangakong iiwas na gumamit ng unilateral actions na magiging dahilan ng pagkabahala tulad ng binanggit ni Ginoong Liang ay maituturing na isang magandang pagkakataon upang higit na manatiling matibay ang buod ng Declaration of Conduct.

Ipinaliwanag ni Senadora Legarda na napapanahon na upang maituwid at maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan sa magkakabilang-panig. Higit na gaganda ang relasyon ng mga bansa sa timog-silangang Asia dahilan sa mga binitiwang pahayag ni General Liang.

IBINALITA naman ni Bong Fabe ng CBCPNews mula sa Cagayan de Oro City na isang magandang pangitain ang pagpapalaya sa isang Tsinoy na negosyante ang pagtutulungan ng pamahalaan at mga kabilang sa Moro Islamic Liberation Front kaninang umaga.

Ipinagpasalamat ni GPH Peace Panel Chairperson Dean Marvic Leonen ang pagkakaligtas kay Ginang Angelina Suken Chew Manjigue sa tulong ng pinagsanib na lakas ng 6th Infantry Division at mga kabilang sa Moro Islamic Liberation Front kaninang alas kwatro y media ng umaga sa Kabuntalan, Maguindanao matapos ang sampung araw na paghahanap sa kanya.

Pinasalamatan ni Leonen si Brig. General Rey Ardo at ang MILF sa pagsasagawa ng matagumpay na joint operations. Pinasalamatan din niya ang Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities at maging ang Ad Hoc Joint Action Group ng magkabilang panig.

Marapat lamang umanong ipagpasalamat na walang anumang sagupaang naganap sa pagitan ng mga kawal ng pamahalaan at mga kabilang sa MILF samantalang pinaghahanap ang mga may kagagawan ng kidnapping sa mga lugar na sakop ng MILF.

Dinukot si Manjigue noong Mayo 14 ng limang armadong kalalakihan samantalang nasa kanyang tindahan. Dinala siya sa Liguasan Marsh sa tinitirhan ng mga MILF.

Matapos matanggap ang impormasyon tungkol sa kinalalagyan ng biktima, agad na nagtawagan ang magkabilang-panig at pinagbalakan kung anong gagawin mailigtas lamang ang biktima.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>