Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagyong "Chedeng" pinaghahandaan na sa Bicol, Timog Katagalugan at Metro Manila at mga kalapit pook; Kalakal mula Enero hanggang Marso 2011, umabot sa $ 27.805 bilyon

(GMT+08:00) 2011-05-25 17:57:52       CRI

PINAGHAHANDAAN na ang pagdating ng bagyong si "Chedeng," mula sa Bicol Region hanggang sa Metro Manila. Ayon sa pinakahuling ulat mula sa Lungsod ng Legazpi, inilikas na ang mga naninirahan sa mga tabing-ilog at tabing-dagat upang maiwasan ang kanilang kapahamakan. Target ng lalawigan ng Albay sa ilalim ni Gobernador Jose Sarte Salceda na magkaroon ng zero casualty sa pagdating ng masamang panahon. Pansamantalang naninirahan sa evacuation centers ang mga inilikas. Ang mga gusaling ito'y mga paaralan at mga matitibay na gusali. Iniiwasan ng mga taga-Albay ang pagdaloy ng buhangin mula sa Bulkang Mayon na may taas na 2,462 metro mula sa karagatan at mga pagguho ng lupa sa mga paanan ng mga kabundukan.

Ilang domestic flights ng Cebu Pacific ang nakansela dahilan sa bagyong Chedeng.

Samantala, tiniyak ni Atty. Edwin Lacierda na tiyak na mababatid ng Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang pinakahuling kalagayan ng bansa sa pagdaan ng bagyong si Chedeng kahit pa umalis siya bukas patungo sa Bangkok para sa isang gabing state visit.

Ayon kay Atty. Lacierda, ang mga opisyal ng pamahalaan ang maghahatid ng pinakahuling pangyayari kay Pangulong Aquino sa napipintong suliraning idudulot ni Chedeng lalo pa't tatama siya sa hilagang Luzon sa darating na Biyernes.

Inutusan ni Pangulong Aquino si Defense Secretary Voltaire Gazmin tungkol sa paghahanda para sa sama ng panahon. Handa na umano ang pamahalaan, sabi pa ni Atty. Lacierda at umaasang walang sinumang mapapahamak sa panahong ito.

Nakatakdang bumalik si Pangulong Aquino mula sa Thailand sa Biyernes ng gabi.

ANG kabuuhang external trade sa unang tatlong buwan ng taong 2011 ay umabot sa higit na 27 bilyong dolyar, mas mataas ng 15.4 na porsiyento kung ihahambing sa $ 24.104 bilyon mula Enero hanggang Marso taong 2010. Ang kabuuhang imports ay kinakitaan ng 22.0 percent na taunang increase at umabot sa $ 15.586 mula sa halagang $ 12.772 bilyon.

Lumago rin ang exports ng 7.8% at nakarating sa $ 12.219 bilyon mula Enero hanggang Marso ng 2011 mula sa $ 11.331 bilyon noong 2010.

Ang balance of trade in goods para sa bansang Pilipinas ay nagkaroon ng deficit na $ 3.368 bilyon sa unang tatlong buwan ng taong 2011. Mas malaki ang deficit ngayon sapagkat noong nakalipas na 2010 ay umabot lamang sa $ 1.441 bilyon.

Ang karamihan ng mga imports ay nagmula sa Estados Unidos ng America, kabilang na ang Alaska at Hawaii ay umabot sa 11.5 porsiyento ng kabuuhang import bill mula Enero hanggang Marso ng taong 2011. Umabot sa $ 636.48 milyon ang nabili ng Pilipinas at nagkaroon ng 40.5% increase mula sa $ 453.04 milyon noong Marso 2010. Ang mga nabili naman ng America sa Pilipinas ay umabot sa $ 608.75 milyon at nagkaroon ng two-way trade value na $ 1.245 bilyon at trade deficit para sa Pilipinas ng $ 27.73 milyon.

Pumangalawa naman Japan, kabilang na ang Okinawa na mayroong 104% share at naitalang kabayarang $ 576.83 milyon. Bumaba ito ng 3.7% kung ihahambing sa halagang $ 598.85 milyon noong Marso 2010. Umabot naman ang binili ng Japan sa Pilipinas sa halagang $ 760.70 milyon at nagkaroon ng kabuuhang halaga na $ 1.338 bilyon at kinakitaan ng $ 183.87 milyon trade surplus na pabor sa Pilipinas.

Nasa ikatlong puwesto naman ang Singapore na naka-ambag ng 9.5% share sa total import bill ng Pilipinas at nagkaroon ng positive growth na 48.0% sa halagang $ 524.31 milyon mula Enero hanggang Marso 2011 na nagmula sa $ 354.29 noong 2010. Ang total exports ng Pilipinas sa Singapore ay umabot sa $ 412.26 milyon at may total trade value na $ 936.56 milyon at trade deficit na $ 112.05 milyon.

Ang China ang nasa ika-apat na puwesto at nakapagtala ng 9.1% share sa total import bill sa buwan ng Marso 2011 at 62.6 percent annual increment na $ 503.66 million mula sa $ 309.84 milyon noong Marso 2010. Ang exports sa China ay nagkahalaga ng $500.34 milyon at nagkaro ng total trade value na $ 1.004 milyon at trade deficit na $ 3.33 milyon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>