|
||||||||
|
||
Umalis patungong Bangkok, Thailand kaninang umaga si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa paanyaya mo Prime Minister Abhisit Veijajiva. Sa kanyang talumpati bago sumakay ng kanyang eroplano, sinabi ni Pangulong Aquino na makikipagpulong siya kay Primi Minister Vejiajiva upang higit na mapalakas ang ugnayan sa Thailand sa larangan ng politika, ekonomiya at kalikasan.
Marami umanong benepisyong matatamo ang Pilipinas sa malapit na pakikipagkaibigan sa Thailand at higit na sisigla ang ekonomiya at aangat ang kabuhayan ng mga Pilipino.
Ang Thailand ang ikasiyam sa pinakamalalaking kabakas sa kalakal ng Pilipinas. Layunin umano ni Pangulong Aquino na pag-ibayuhin ang kalakal sa pagitan ng dalawang bansa.
Isusulong din ni Pangulong Aquino ang Public – Private Partnership sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga mangangalakal ng Thailand na mangapital sa Pilipinas. Layunin din ng pagdalaw na ito na pag-ibayuhin ang kampanya laban sa drug trafficking and lumago ang relasyon ng mga dalubhasa sa larangan ng pagsasaka.
Makakausap din umano ng Pangulong Aquino ang mga Pilipinong naghahanap-buhay doon.
Nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang pangulo bukas ng gabi.
HANDANG-HANDA na ang Pilipinas na ilikas ang mga Pilipinong nasa Yemen na nagnanais ng lumisan dahilan sa kaguluhang nagaganap doon. Hindi na umano mapigil pa ang gulo sa kapitolyo ng bansa, sa Lungsod ng Sanaa.
Ayon kay Foreign Secretary Alberto del Rosario, bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, itinaas na ang crisis alert level sa level 3 dahilan sa kaguluhang nagaganap. Handa na ang mga tauhan ng embahada na ilikas ang mga Pilipinong nasa Sanaa.
Sa ilalim ng crisis alert level 3, ang voluntary repatriation sa gastos ng pamahalaan ay iaalok sa mga Pilipinong nagnanais nang umalis sa Yemen. Sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment, wala munang manggagawang papayagang magtungo sa Yemen upang maghanapbuhay.
Pinayuhan na ang mga Pinoy sa Yemen na maggayak na ng kanilang mga kagamitan at maghanda sa napipintong pag-uwi sa Pilipinas. Kailangang palagian na nilang dala ang kanilang mga pasaport
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |