Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, umaasang higit na gaganda ang kalakalan, mas maraming high-level visits at student exchange program sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2011-05-27 19:01:29       CRI

SINABI ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na umaasa ang Tsina na higit na lalawak ang kalakal at relasyong pang-ekonomiya sa Pilipinas samantalang patuloy na madaragdagan ang high-level visits sa pagitan ng dalawang magkaibigang bansa.

Umaasa rin umano ang Tsina na higit na gaganda ang relasyon sa pagkakaroon ng student-exchange visit programs sapagkat magiging daan ito ng pag-unawa sa kultura at mga pinahahalagahan ng bawat bansa.

Idinagdag pa ni Ginoong Binay na lumago ang Gross Domestic Product ng Tsina at umabot sa 10.3% noong nakalipas na taon kahit pa maraming kalamidad na naranasan ng kanilang bansa. Makikinabang ang Pilipinas sa higit na pagpapaunlad ng trade relations sa mga Tsino.

Ito ang buod ng pahayag ni Pangalawang Pangulong Binay sa pagdalaw ni Vice Chairman Jiang Shusheng ng Standing Committee of the 11th National People's Congress of the People's Republic of China kaninang umaga.

Nakikita rin umano ni Vice Chairman Jiang ang mahalagang papel ng kanyang bansa sa larangan ng pakikipagkalakal sa mga bansang tulad ng Pilipinas at nagpahayag ng pag-asang makikita ito sa malalaking mga proyektong nasimulan na.

Idinagdag pa ni Vice Chairman Jiang ang kahalagahan ng mga pagdalaw ng mga high-ranking officials sa pag-itan ng dalawang bansa sapagkat higit na gaganda at magiging mas malalim ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas.

Ikinatuwa rin ng dumadalaw na opisyal ng Tsina ang student exchange program sa pag-itan ng Pilipinas ang ng kanyang bansa. Maisusulong umano ang mga kultura ng dalawang bansa na siyang magiging dahilan ng mas marubdob na pagkakaigbigan ng dalawang bansa.

Sa usapin ng Spratly Islands, sinabi ni Pangalawang Pangulong Binay na sang-ayon si Vice Chairman Jiang sa pahayag ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na lutasin ang mga 'di pagkakaunawaan sa pamamagitan ng diplomasya.

Ipinanukala ni Ginoong Binay sa kanyang panauhin na baka mabigyan ng pansin ang pagpapalitan ng mga nahatulang bilanggo sa pag-itan ng Pilipinas at Tsina.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>