Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kagawaran ng Edukasyon, Handa na sa Pasukan

(GMT+08:00) 2011-05-30 18:51:42       CRI

Pinaghandaan na ng Kagawaran ng Edukasyon ang darating na pasukan sa Lunes, ika-anim sa buwan ng Hunyo. Ayon kay Education Secretary Bro. Armin Luistro, umaasa siyang magiging maayos ang lahat sa pagpasok ng may dalawampung milyong mag-aaral sa pre-school, elementarya at high school.

Sa panayam ng CBCPNews kay Bro. Armin, sinabi niyang unti-unti nang natutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan sa guro, silid-aralan, mga upuan, koneksyon ng tubig at palikuran at mga alkat.

Ayon kay Bro. Armin, itinuloy ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III ang "educational service contracting program" na nag-uutos sa mga pribadong paaralan na tanggapin ang mga mag-aaral na hindi matatanggap ng mga paaralan ng pamahalaan. Babayaran ng pamahalaan ang kanilang mga matrikula kasabay ng pagpapatayo ng mga gusaling kailangan sa mga paaralan.

Bagama't kulang ang mga guro, sinagot ng mga pamahalaang-lokal ang pasahod sa may mga 50,000 guro mula sa kabuuhang kalulangang 103,000. Kukuha ang national government ng 15,000 ngayon taon ayon sa budget ng Kagawaran. Sa loob ng susunod na dalawang taon na mapupuno na rin ang kulang na 38,000.

Sa mga silid-paaralan, bagama't kulang ng 150,000 silid, pinag-iibayo nila ang pakikipagtulungan sa iba't bang samahan upang makapagpatayo ng mga gusaling kailangan sa buong kapuluan. May isang grupong nangako na magtatayo ng 10,000 silid-paaralan sa loob ng dalawang taon. Tutulong din ang pribadong sektor sa programang ito at maaaring matapos na rin ang kakulangang 68,000 school rooms sa dalawang taon.

Ang mga pamahalaang lokal ang umaalalay sa paggawa ng isang milyong upuan. Gagamitin na rin ang mga nakumpiskang mga kahoy at gagawing mga upuan. Ang mga vocational schools naman ang gagawa ng mga upuang ito kaya't halos isang milling upuan na lamang ang kulang.

Ipinagpasalamat ni Bro. Armin ang tulong ng mga barangay sa paggawa ng mga palikuran na may tubig sapagkat mahalaga ito sa pagtuturo ng Kalinisan. Sa 42,000 barangay sa buong bansa, Kung makagagawa lamang ng tigtatatlong palikuran ay lutas na ang problema.

Kumpleto na ang mga aklat sa Agham, Ingles at Matematika. Tiyak na magkaka-aklat ang lahat ng mag-aaral sa buong bansa dagdag pa ni Bro. Armin bago matapos ang 2011.

Isang problemang kinahaharap ng Kagawaran ay ang lumalagong bilang ng school dropouts, mula sa bawat isang daang mag-aaral sa Grade 1 ay 66 lamang ang nakakatapos ng Grade 6. Mahalaga umano ang pre-school education sapagkat malaki ang angat ng nakakabasa at nakakasulat sa Grade 1 pa lamang.

Bukas ang Kagawaran ng Edukasyon sa student exchange program bagama't mga pribadong paaralan muna ang makapagpapadala ng mga mag-aaral sa ibang bansa tulad ng Tsina dahilan sa iilang paaralan pa lamang ang nagtuturo ng wikang Mandarin.

Nanawagan si Bro. Armin sa mga magulang ng iba't ibang mag-aaral sa iba't ibang bahagi ng mundo na antabayanan ang website na kanilang ilulunsad sa Hunyo seis na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa bawat isang paaralan sa buong Pilipinas. Malalam ng mga magulang kung ano ang nagaganap sa mga paaralang ito sa pamamagitan ng website. Antabayanan ang ibang detalyes tungkol sa website na ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>