Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dagdag na salapi para sa early education, kailangan

(GMT+08:00) 2011-05-31 19:41:25       CRI

ANG early childhood development sa bansa ay tatanggap na halos isa't kalahating bilyong piso matapos ipasa ng Senado ang Early Years Act, kilala sa pangalang Senate Billl No. 2802 kahapon sa ikatlo at huling pagbasa.

Ang halagang ito'y mas malaki kaysa unang mga panukala matapos maipaliwanag ni Senador Edgardo J. Angara, ang nagtaguyod ng panukalang batas, na kailangang tutukan at isulong ang edukasyon ng mga batang hanggang anim na taong gulang.

Magkakaroon ng taunang pondo na limang daang milyong piso para sa unang limang taon na magmumula sa isang korporasyong pag-aari ng pamahalaan. Magkakaroonn din ng dagdag na isang bilyong piso para sa pagpapatakbo ng Early Childhood Care and Development Council mula sa national budget ng Pilipinas.

Si Senador Angara ang chair ng Senate Committee on Education, Arts and Culture, ang may akda ng Senate Bill No. 2567 na naglalayong susugan ang kasalukuyang Early Childhood Care and Development system na sinimulan noong taong 2000.

Ang Early Years Act ay naglalayong baguhin ang kasalukuyang Day Care centers at gawing child development centers na nakatuon sa pag-aaral at hindi lamang palaro.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>