Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Overseas development assistance lumago ng may $300 milyon/payapaang unang araw ng klase

(GMT+08:00) 2011-06-06 18:00:20       CRI

IBINALITA ng National Economic and Development Authority na tumaas ang pinagsanib na commitments ng Official Development Assistance at umabot sa $ 8.03 bilyon hanggang noong nakalipas na Marso, 2011 at mas mataas ng $ 300 milyon kung ihahambing sa nakalipas na taon.

Hanggang noong nakalipas na Marso 31, 2011, mayroong 74 na pagkakautang at may 68 mga proyekto na nagkakahalaga ng $ 7.24 bilyon at anim na programang nagkakahalaga ng $ 790 milyon.

Sa bilang na ito, 69 na loans ang ipinagpapatuloy pa hanggang sa matapos ang Marso 31, 2011 sapagkat isang pautang ang nahinto samantalang apat na project loans ay hindi pa nasisimulan

Ayon sa NEDA-Project Monitoring Staff, ang kabuuhang salaping nailabas ay umabot sa $ 223 milyon na hamak na mas mababa sa halagang $ 468 milyong noong nakalipas na taon.

Ang ODA loans na nagmula sa Japan ay umabot sa $ 104.53 milyon sa unang tatlong buwan ng taong 2011 o 47% mula sa buong ODA actual disbursement. Sa 15 ODA loans, ang buong commitments mula sa Japan ay umabot na sa $ 2.6 bilyon hanggang sa katapusan ng Marso, 2011.

Ang actual disbursement ng ODA loans mula sa Tsina ay tumaas ng may 2,740 porsiyento mula sa $ 1.24 milyon sa unang tatlong buwan ng taong 2010 ay umabot sa $ 35.22 milyon sa parehong panahon ngayong 2011. Umabot sa total na $ 1.14 bilyon ang total commitments mula sa China hanggang noong Marso 31, 2011.

TINIYAK ni Education Secretary Bro. Armin Luistro na handa na ang lahat para sa araw na ito na kinatampukan ng milyun-milyong mga mag-aaral sa elementarya at high school. Tinataya na 25.7 milyong mag-aaral ang pumasok sa may 45,000 mga paaralan sa buong bansa.

Ngayong taong ito, aabot sa 22.05 milyon ang papasok sa paaralan ng pamahalaan samantalang mayroong 3.65 ang nasa mga pribadong paaralan. Umabot naman sa 7.73 milyon ang nasa high school at may 5.85 milyon ang nasa public high schools at 1.88 naman ang nasa mga pribadong paaralan.

Ngayong taong ito, 1.93 milyon ang kindergarten pupils ang pumasok na sa mga paaralan mula ng kilalanin ng Department of Education ang kahalagahan ng preschool education.

IBINALITA ni Philippine National Police Chief Director General Raul Bacalzo napayapa ang unang araw ng klase sa elementarya at high school sa buong bansa.

Natural na ang pagbagal ng trapiko sa mga lansangan ng Metro Manila dahilan sa mga pumapasok sa mga paaralan. Naka-alerto ang mga pulis at nagbabantay sa mga paaralan. Hanggang sa may Ramon Magsaysay High School sa Espana, Maynila ay may mga pulis na nagbabantay.

Ayon kay Director General Bacalzo, hanggang sa susunod na linggo magbabantay ang mga pulis sa iba't ibang paaralan. Idinagdag pa ng pinuno ng higit sa isang daang libong mga pulis sa buong bansa na pipigilan din nila ang anumang kidnapping na maaaring gawin ng mga kidnap-for-ransom gangs. Minamatyagan din ang mga pasahero ng bus at jeepney.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>